Mga menor de edad na lumabag sa curfew, ikinulong sa dog cage

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2020
Ikinulong ang mga lalaking ito, kabilang ang dalawang menor de edad, sa isang dog cage sa Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna matapos mahuling lumabag sa ipinatutupad na curfew. Paliwanag naman ng barangay chairman, lasing at pinagmumura raw ng mga kabataang ito ang mga sumita sa kanila.
PHOTO/S: Santa Cruz Cityhood Facebook page

Makatarungan bang ikulong na parang mga aso ang mga kabataang nahuling lumalabag sa curfew na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa Enhanced Community Quarantine sa Luzon?

Ito ang katanungan ng ilang netizens matapos malaman ang nangyaring insidente sa Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna, noong March 16.

Inireklamo ng child abuse o Violation of Republic Act 7610 ang barangay chairman na si Frederick Panisan Ambrocio, dahil ikinulong niya sa dog cage ang dalawang Grade 10 students at ang ibang mga kasama na lumabag sa curfew.

Ngayong Biyernes, March 20, nagsadya ang complainants, kasama ang kanilang mga magulang, sa Sta. Cruz Police Station para pormal na magsampa ng reklamo laban kay Ambrocio.

Ayon sa salaysay ng mga estudyante, bandang alas-diyes ng gabi nang sitahin sila ng mga barangay tanod habang papunta sila sa bahay ng isang kaibigan, kasama ang tatlong lalaki na mas nakatatanda sa kanila.

Dinala ng mga barangay tanod ang mga nahuli sa Barangay Hall, at dito raw nila nakaharap si Ambrocio.

Continue reading below ↓

Sabi ng mga estudyante, binantaan diumano sila ni Ambrocio na babarilin sila kapag tumanggi silang pumasok sa kulungan ng aso.

Ayon sa mga complainant, ikinulong sila sa dog cage sa loob ng 30 minuto.

Pinalabas lamang daw sila ni Ambrocio dahil sa kanilang pagmamakaawa.

Bukod sa child abuse, nagsampa rin ng grave threat at grave coercion ang mga estudyante.

AMBROCIO'S EXPLANATION

Hindi itinanggi ni Ambrocio ang paratang ng mga nagrereklamo at humingi siya ng pasensya.

Pero ipinagtanggol niya ang sarili.

Ayon sa barangay chairman, lasing ang mga kabataang hinuli at pinagmumura pa ng mga ito ang mga tanod na sumita sa kanila.

Lumabas ang pahayag ni Ambrocio, kalakip ang larawan ng mga kabataang nakakulong sa dog cage, sa Facebook page ng Santa Cruz Cityhood kagabi, March 19.

Buong pahayag ni Ambrocio: "Dahil po sa pag-uutos ng ating Pangulo DU30 laban sa kumakalat na COVID-19 virus, kami po ng aking mga konsehal, barangay tanod, katuwang po ni Adminstrator ay agarang nagpatupad ng curfew sa itinakdang oras sa walang pinipiling edad.

Continue reading below ↓

"Kasabay po nito ang aming panghuhuli ng mga asong pagala-gala.

"Ang mga nasabing mga kabataan ay amin pong sinita para magsiuwian na.

"Sa madaling salita po, sila po ay tumanggi sa aming pinag-uutos at ang masakit po du’n, kami po ay sinabihan ng mga kabataan na ito na mga lasing ng 'MGA GAGO KAYO HINDI NA KAMI MENOR' at inulit pa po ito ng tanungin namin sila ng 'SINONG GAGO?' na sinagot uli nila ng 'KAYONG MGA BARANGAY!'

"Sa amin, kapitan, konsehal, tanod at sa bumubuo ng sanggunian, sa kabila po ng pagod, gutom at puyat para lang maipatupad ang batas para maging maayos at ligtas ang lahat ay makakarinig pa ng mga ganyang salita sa mga taong walang simpatya!!!! KAYO NA PO ANG HUMUSGA!

"Muli po...ako po, kami po ay humihingi ng paumanhin, pang-unawa att higit sa lahat ay RESPETO!

"Mula po sa akin at sa aming mga puso, sorry po talaga sa mga nangyari.Salamat po at God bless. Sana po ay malampasan natin ang mga krisis na ito."

Continue reading below ↓

STA. CRUZ MAYOR STATEMENT

Naglabas naman si Sta. Cruz Mayor Edgar San Luis ng pahayag tungkol sa insidente.

Nagbitaw ng salita si San Luis na hindi niya sinusuportahan ang paglabag sa karapatang pantao kaya pinaiimbestigahan na niya ang kaso.

Bahagi ng pahayag niya: "Sa panahon ng krisis ang pagsunod sa direktiba ng nakatataas ay marapat na sundin ngunit marapat ding isandal sa kapakanan ng lahat. Hindi maaaring ilagay ang batas sa ating mga kamay ng basta basta.

Continue reading below ↓

"Kasalukuyan na pong binabalangkas ng mga kinauukulan ang insidenteng ito at asahan nyo pong ilalatag natin ang karampatang solusyon sa usaping ito.

"Mamuno tayo ng may malasakit sa ating kapwa sapagkat higit sa pagiging pinuno tayo ay tagapaglingkod sa ating mga nasasakupan.”

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinulong ang mga lalaking ito, kabilang ang dalawang menor de edad, sa isang dog cage sa Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna matapos mahuling lumabag sa ipinatutupad na curfew. Paliwanag naman ng barangay chairman, lasing at pinagmumura raw ng mga kabataang ito ang mga sumita sa kanila.
PHOTO/S: Santa Cruz Cityhood Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results