South Korean friends ni Manny Pacquiao, nag-donate ng 700,000 face masks

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2020
Senator Manny Pacquiao (in white jacket) on donations from businessmen friends: "We need to work together to fight COVID-19."
PHOTO/S: @patmangune via @news5aksyon Twitter

Nagkaroon ng isyu tungkol sa donasyong face masks na ipinamahagi ni Senator Manny Pacquiao sa iba’t ibang government agencies.

Dumalo si Senator Pacquiao sa turnover ceremony sa Camp Crame noong March 17, pero ang pangalan lamang nila ng Chinese billionaire at Alibaba co-founder na si Jack Ma ang nabanggit na nag-donate ng mga face masks.

Kaugnay ito ng tweet ng opinion columnist na si Manolo Quezon na “Pls. note the good senator is acting as a conduit for the donor, Jack Ma (to give credit where it’s ultimately due)."

Naglabas din ng reaksiyon ang former singer na si Leah Navarro tungkol sa mga ipinamigay ni Pacquiao na personal protective equipment (PPE) sa frontliners:

"The PPE’s were apparently donated by billionaire Jack Ma to Pacquiao’s foundation because they’re pals.

"Pacquiao staged a presentation of these PPEs in Crame and his office said it was his donation. True but misleading. So thank you Jack Ma."

Continue reading below ↓

Pero lumalabas na ang face masks na siyang paunang donasyon, kunsaan naging conduit si Pacquiao, ay mula sa South Korean friends ng senador.

Paglilinaw pa ni Rene Casibang, media relations officer ni Pacquiao, hindi pa dumarating ang 50,000 COVID-19 test kits na pledge ni Jack Ma.

FACE MASKS FROM KP TRADING AND C-SO FUNDING

Ang South Korean companies na KP Trading at C-SO Funding, sa pamamagitan ng kanilang representative na si Diana Ji Hye Kwon, ang nagbigay kay Senator Manny Pacquiao ng 700,000 face masks bilang donasyon.

Ang HMR Trading Haus, ang local partner retailer ng KP Trading at C-SO Funding, ang importer ng mga face mask.

Nakipag-ugnayan ito kay Pacquiao para sa mga donasyon na ipagkakaloob nila sa Pilipinas.

Ang mga face mask ang inabot na donasyon ni Pacquiao para sa frontline workers na malaki ang kontribusyon sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

Kabilang dito ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Health (DOH), at sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Continue reading below ↓

Nagbigay rin si Pacquiao ng mga face mask sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kabilang sa frontliners.

"In the world health crisis that we are in, we need to work together to fight COVID-19,” ani Pacquiao tungkol sa tulong na natanggap niya mula sa mga nabanggit na South Korean companies.

MORE FACE MASKS

Sabi naman ni Diana Ji Hye Kwon, bukal sa loob ng South Korean companies na KP Trading at C-SO Funding ang makatulong sa frontliners sa Pilipinas.

"It’s at times like this that we realize there are no borders; we are all humans fighting a common enemy, as such, we must support each other to achieve a united victory."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao (in white jacket) on donations from businessmen friends: "We need to work together to fight COVID-19."
PHOTO/S: @patmangune via @news5aksyon Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results