Caritas Manila, nagpasalamat sa donasyon mula sa fundraising drive ni Bela Padilla

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2020
Ang Caritas Manila ang isa sa mga institusyong nakatanggap ng tulong mula sa fundraising drive na pinasimulan ni Bela Padilla. Layon ng fundraiser ni Bela na bigyan ng pagkain ang informal workers na pansamantalang nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Instagram / Caritas Manila Twitter

Maliban sa impormasyong inabot siya ng curfew hour kagabi, March 19, dahil sa pamamahagi ng mga donasyon, wala nang nalaman ang publiko tungkol sa pagkakawanggawa ni Bela Padilla.

Marami ang humiling na mainterbyu si Bela tungkol sa mga tulong na ginagawa niya para sa mga kababayan nating apektado ng banta ng COVID-19, pero tumanggi siya.

Continue reading below ↓

Nalaman na lang ng mga tao ang tungkol dito dahil sa mga tauhan ng Caritas Manila, isa sa mga recipients ng fundraising drive ng aktres.

Ang Caritas Manila ang isa sa mga pinakamalawak na church-based non-profit organization sa Pilipinas na tumutulong sa mga pamilyang mahihirap.

Isa si Bela sa mga showbiz personalities na gumawa ng paraan para makatulong sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon na ipinatutupad ng pamahalaan para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Noong Linggo, March 15, ay pinasimulan ni Bela ng online fundraising para magbigay ng food donations sa informal workers na pansamantalang hindi makapaghanapbuhay.

Layunin ng kampanyang ito na makalikom ng isang milyong piso.

Ngunit hindi inakala ni Bela na aabot sa P3.3 million ang kabuuang donasyong malilikom niya.

Base sa post ng Caritas Manila, ito ang isa sa mga unang nakatanggap ng tulong mula sa donasyong ipinagkatiwala ng publiko kay Bela.

Sa pamamagitan ng Facebook page nito, pinasalamatan ng Caritas Manila si Bela sa isang milyong halagang donasyon..

Continue reading below ↓

Ibinahagi ng Caritas Manila ang litrato ng mga donasyon tulad ng bigas, de-lata at ibang pang pagkain.

Mensahe nila: "We have received Ms. Bela Padilla’s donation of 1 million pesos worth of canned goods and rice for our Ligtas COVID-19 campaign.

"We express our heartfelt gratitude to you and to all the donors who are in solidarity with the poor as we fight COVID-19,” pasasalamat ng Caritas Manila sa aktres.

Continue reading below ↓

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Caritas Manila ang isa sa mga institusyong nakatanggap ng tulong mula sa fundraising drive na pinasimulan ni Bela Padilla. Layon ng fundraiser ni Bela na bigyan ng pagkain ang informal workers na pansamantalang nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Instagram / Caritas Manila Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results