Kumusta ang kalagayan ng crew ng nakadaong na cruise ship dahil sa COVID-19?

by Jojo Gabinete
Mar 21, 2020
Ibinahagi ng isang Pinoy crew member ang kalagayan nila sa loob ng cruise ship na walang mga pasahero dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Cabinet Files source

Ang cruise industry ang isa sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Sinuspinde ang paglalayag ng mga cruise ship para maagapan ang pagkalat ng coronavirus, at upang hindi na maulit ang nangyari sa Diamond Princess.

Ang Diamond Princess ang cruise ship na tinamaan nang husto ng COVID-19 at naka-dock hanggang ngayon sa Yokohama, Japan.

Marami sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Diamond Princess ang nagkaroon ng COVID-19.

Base sa report ng New York Post noong March 19, ang food service workers ng Diamond Princess ang primary carrier ng virus.

Ang Diamond Princess ay isa sa Princess Cruises na pag-aari ng Carnival, na nagmamay-ari ng 40 percent ng cruise ship market sa mundo.

Dahil sa nangyari, ipapahinga ng Carnival sa loob ng dalawang buwan ang kanilang mga cruise ships.

Nag-umpisa na ang pagpapauwi sa mga empleyado ng mga cruise line company sa Asia, Europe, at Amerika dahil sa malaking epekto ng COVID-19 sa industriya.

Continue reading below ↓

Ayon sa nakausap ng Cabinet Files na Pinoy na nagtatrabaho sa isang cruise ship, 300 ang bilang ng crew, na iba’t iba ang nationalities, ng unang batch na uuwi sa kani-kanilang bansa sa March 24.

PINOY CREW AT SEA

Seventy percent ang bilang ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa cruise ship na pinaglilingkuran ng Cabinet Files source.

Dahil walang mga pasahero, nakahimpil lamang sa kasalukuyan sa karagatan ng Bahamas ang kanilang barko.

Kuwento ng Pinoy cruise ship worker, "At sea po kami ngayon, nag-load po kami ng pagkain bago mag-stay sa laot ng ilang linggo.

"Wala na po kami mga guest. Sa March 24 po ang balik namin sa Miami para magbaba ng crew at mag-load uli ng mga pagkain.

"Araw-araw po ang body temperature check sa amin.

"Nagmo-monitor po ang mga doktor sa lahat ng crew, at kapag mataas ang lagnat, isolated sa cabin.

"Bawal sila lumabas kaya may nagde-deliver na lang ng pagkain nila.

Continue reading below ↓

"Naka-sanitation barrier po kami oras-oras. May nagpupunas sa mga gamit sa barko."

Sinabi ng Cabinet Files source na maganda at maayos ang trato sa kanila ng cruise ship management.

Mula nang mawalan sila ng mga guest, ipinapagamit sa crew ang lahat ng amenities ng cruise ship.

"May event po para sa crew, may party kami.

"Libre ang Internet at ipinagagamit sa amin ang lahat ng amenities para sa mga guest.

"Pero by schedule para magamit ng lahat.

"Tuloy pa rin po ang duty namin, pero binawasan na ang oras. Yung dating sampung oras, naging anim.

"Pero kami, walong oras pa rin ang duty namin. Naglilinis pa rin sa loob ng barko.

"Yung mga cook, salitan sa pagluluto.

"Ang mga waiter, tumutulong sa paglilinis ng mga dining room, bar.

"At yung hotel department, sila ang taga-sanitize."

Alam ng mga Filipino crew na problema sa buong mundo ang COVID-19 kaya, masakit man sa kalooban, tanggap nila ang pagpapauwi sa kanila.

Continue reading below ↓

At isa lang ang kanilang concern: kung babayaran ba ng management ang full contract nila.

Pinoproblema rin ng mga uuwi sa Pilipinas ang enhanced community quarantine sa Luzon, dahil tiyak na mahihirapan silang makabalik sa kani-kanilang mga probinsiya.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ng isang Pinoy crew member ang kalagayan nila sa loob ng cruise ship na walang mga pasahero dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Cabinet Files source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results