Tonton Gutierrez at Christopher Roxas, nagdiwang ng mga kaarawan in quarantine

by Jojo Gabinete
Mar 21, 2020
Magkasunod na nagdiwang ng kanilang kaarawan ang mga aktor na sina Tonton Gutierrez (kaliwa, kasama ang misis na si Glydel Mercado) at Christopher Roxas (kanan). Ngunit dahil sa enhanced community quarantine, wala silang malaking selebrasyon.
PHOTO/S: Instagram

Sina Tonton Gutierrez at Christopher Roxas ang dalawang aktor na magkasunod na nagdiwang ng kanilang kaarawan na walang malaking selebrasyon dahil sa COVID-19.

Kahapon, March 20, ang 56th birthday ni Tonton.

Pero hindi siya lumabas ng bahay bilang pagsunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ang huwag lumabas ng bahay ang paalaala ni Tonton sa lahat para makaiwas sa perhuwisyong dala ng coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

Hindi raw nakakaramdam ng pagkabagot ang pamilya niya dahil sama-sama silang nagkukuwentuhan at nanonood ng mga pelikula at series sa Netflix.

WISHING FOR WORLD PEACE

Ngayong araw, March 21, naman ang 41st birthday ni Christopher Roxas.

Hindi siya nagbibiro nang sabihin nitong “world peace” ang kanyang birthday wish dahil sa mga nagaganap sa buong mundo.

Nagpasasalamat din si Christopher sa Panginoong Diyos dahil sa paniniwala niyang nasa kanya na ang lahat.

"I think I have it all already. We’re not rich but we’re okay.

"I’m well-loved ng mga tao na talagang nakakakilala sa akin.

"I’m healthy.

"I have such a wonderful wife, beautiful kids, loving friends, and most of all, God is with me," pahayag niya.

Continue reading below ↓

Tulad ni Tonton, hindi nakakaramdam si Christopher ng pagkainip sa loob ng tahanan nila ni Gladys Reyes dahil ang mga kabutihang dulot ng month-long enhanced community quarantine ang nakikita at pinahahalagahan niya.

"I’m trying to see the good in everything. Actually, it’s not bad at all.

"We simply live by rules, washing our hands, sanitize it with alcohol, lalo na kapag lalabas ng bahay,” ani Christopher.

Dagdag niya, "We’re keeping ourselves busy, work out, cooking for my family.

"Much needed rest and bonding for us, kasi sa sobrang busy sa mundo before COVID-19, marami tayong na-neglect.

"At, now it’s happening, ang dami pala nating puwedeng gawing mas meaningful.

"Yung totoong saya and being grateful because buo ang pamilya natin."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkasunod na nagdiwang ng kanilang kaarawan ang mga aktor na sina Tonton Gutierrez (kaliwa, kasama ang misis na si Glydel Mercado) at Christopher Roxas (kanan). Ngunit dahil sa enhanced community quarantine, wala silang malaking selebrasyon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results