Doktor, namatay dahil sa isang COVID-19 patient na nagsinungaling

by Jojo Gabinete
Mar 22, 2020
Isang doktor ng Philippine Heart Center ang namatay ilang araw pagkatapos umanong suriin ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook

Hindi lamang disiplina sa sarili at konsidersyon sa kapwa ang mahalaga sa lahat ng panahon, lalo na sa oras na lumalaban ang buong mundo sa perhuwisyong hatid ng COVID-19.

Ang #Jowable director na si Darryl Yap ang isa sa mga nagpaalaala ng kahalagahan ng katapatan.

Ito ay dahil sa doktor na nagbuwis ng buhay matapos magsinungaling umano ng isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Base sa mga lumabas na ulat, hindi nagsabi ng totoo ang pasyente nang tanungin ng doktor kung may travel history ito.

Ngunit napag-alamang galing ang pasyente sa isang bansa na may COVID-19 cases, at positibo rin siya sa naturang virus.

Makalipas ang ilang araw ay namatay ang doktor, at kinailangang i-quarantine ang lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente sa ospital.

Sa inilabas na official statement ng Philippine Heart Association ay hindi nila pinangalanan ang "young cardiologist" na pumanaw "while fulfilling his duties as a doctor."

Hindi rin binanggit sa statement kung saang ospital ito nagtatrabaho.

Continue reading below ↓

Ngunit kumalat sa social media ang kuwento ng doktor na namatay.

Dito nalamang 34-anyos lamang ang doktor na nagtatrabaho sa Philippine Heart Center.

FRONTLINERS AT RISK

Hangga't maaari ay iniiwasan ni Darryl mag-post ng mga balitang may kinalaman sa COVID-19 dahil nagpapabigat ito sa kanyang pakiramdam.

Pero hindi niya napigilang magsalita dahil sa nangyari sa doktor na naging biktima rin ng mapamuksang sakit.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Sabado, March 22, ito ang nakapanlulumong kuwento ni Darryl na nalaman niya mula sa medical personnel ng Philippine Heart Center:

"Kung matagal ka nang tagasubaybay ng VinCentiments [Facebook page], alam mong may isa kaming short video plug na kinuhanan namin sa Philippine Heart Center; at dahil doon, nakakilala kami ng ilang nurses at doktor na tumatangkilik din sa aming pahina.

"Nakausap ko ang isa kanina.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, sa dami ng gusto kong ibahagi sa inyo; pero marapat na maging responsable sa pagpo-post para hindi tayo maging sanhi ng kahit anong gusot— minabuti kong i-summarize ang mga tumimo sa utak ko na pinayagan akong ibahagi:

"1. Namatay po ang isang doktor dahil nagsinungaling ang isang pasyente, hindi nagsabi ng mahalagang impormasyon, nagsawalang-bahala at mas piniling pagtakpan ang posibleng pagkakaroon niya ng virus—dahil din po dito, lahat ng na-expose sa pasyenteng iyon, lalong-lalo na sa namatay na doktor, ay kailangang i-quarantine; halos kaunti na lang po silang mga nasa frontline doon.

Continue reading below ↓

"2. Pinaka-bumagabag po sa akin ay ang balitang ang isa sa mga nurses na pilit na nag-revive sa doktor ay nagkaroon ng trauma; hindi humihinto sa pag-iyak, sa pagkawala ng kaibigan AT LALO NA SA STRESS NG PAG-AALALA NIYA SA SARILI NIYANG BUHAY AT NG MGA NAKASALAMUHA NIYA. Napakahirap po ng trabaho nila— bukod sa alam na natin ito; damang-dama ko po ang pagkakasabi sa akin: 'Stressed na stressed kami, pero kailangan naming kumilos, dahil kung manghihina kami, sino ang gagawa?'

"3. Dahil wala naman po akong ibang ma-react kundi 'grabe', 'shet', 'mag-ingat ka', tinanong ko siya kung ano ang kailangan nila sa PHC, sabi ko handa ang grupo ko na magbigay, ilalapit ko rin sila sa mga kaibigan ko, hindi na ako nakapagsalita sa sagot niya: 'Sa ngayon, kaya pa ng supplies namin, pero baka mapagod ang mga sponsors kung lalagpas pa ng April 14; sa ngayon, ang mabibigay mo sa amin ay huwag ka mapagod magpaalala sa mga tao na mag-mask, maghugas ng kamay at hanggat maaari ay huwag lumabas ng bahay, baka bumigay tayong lahat kung di tayo makikinig.'"

Continue reading below ↓

Bukod sa mga papuri sa mga frontliner, na itinuturing na mga bayani dahil sa patuloy at walang-sawang paglilingkod, ipinagdasal sila ni Darryl.

Inulit din ng direktor ang simple pero mabisang paraan upang maagapan ang pagkalat ng COVID-19—huwag magsinungaling, tibayan ang physical at mental health, makinig at sundin ang mga rekomendasyon ng Department of Health, at ang pinakamahalaga, maging bahagi ng solusyon.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang doktor ng Philippine Heart Center ang namatay ilang araw pagkatapos umanong suriin ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results