ABS-CBN employees, ipinagmalaki ang pag-aalaga sa kanila ng network sa gitna ng COVID-19 crisis

by Jojo Gabinete
Mar 22, 2020
Ayon sa isang empleyado ng ABS-CBN, may sleeping quarters para sa kanilang mga halos hindi nakakauwi sa mga tahanan dahil kailangang-kailangan ang kanilang serbisyo sa COVID-19 coverage.
PHOTO/S: ABS-CBN

May sleeping quarters na inihanda ang ABS-CBN para sa mga empleyado at news reporters na halos hindi nakakauwi sa mga tahanan nila dahil kailangang-kailangan ang kanilang serbisyo sa COVID-19 coverage.

Bukod sa sleeping quarters, libre ang shower para sa mga empleyadong nananatili sa Kapamilya Network.

May shuttle din para sa mga trabahador na hatid-sunod mula sa kanilang bahay at opisina.

May suweldro ring matatanggap ang mga empleyado na piniling magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan.

Libre ang pagkain ng mga empleyadong pumapasok.

Ayon ito sa ABS-CBN cameraman na si Vale Cuenca, na nag-post sa kanyang Facebook page ng: "Ganire kami kamahal ng ABS-CBN, may free breakfast, lunch at Heroes Burger pa!”

Pinatotohanan ni ABS-CBN reporter Jacque Manabat na may supply sila ng masks, vitamins, at hatid-sundo sila ng crew cab.

Pinuri naman ng Defend Jobs Philippines ang ABS-CBN dahil sa ipinakikita nitong pag-aalaga sa mga empleyado sa panahong nasa "state of calamity" ang bansa.

Continue reading below ↓

Hiniling ng Defend Jobs Philippines kay Labor Secretary Silvestre Bello III na himukin ang ibang mga private company at mga government agency na suspendihin ang "no work, no pay" policy habang ipinatutupad sa Luzon ang Enhanced Community Quarantine.

AT HOME TOGETHER

Samantala, kasalukuyang nagaganap ang "At Home Together" fundraising concert ng ABS-CBN. Live itong napapanood sa Kapamilya Network channel.

Mula sa kanilang tahanan, ibinahagi ng mga artista ng ABS-CBN ang realization nila habang nananatili sa kanilang mga pamamahay.

Hiniling nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa lahat na ipagdasal ang kaligtasan ng mga frontliners na patuloy na naglilingkod para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Sina Ogie at Regine ang dalawa sa Kapamilya stars na nagdaos ng live show mula sa kanilang bahay para sa fundraiser ng ABS-CBN, na layuning matulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

For more stories on COVID-19, please CLICK HERE.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang empleyado ng ABS-CBN, may sleeping quarters para sa kanilang mga halos hindi nakakauwi sa mga tahanan dahil kailangang-kailangan ang kanilang serbisyo sa COVID-19 coverage.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results