Doktor na pumanaw dahil sa COVID-19, inihabilin ang asawa at anak na may autism

by Jojo Gabinete
6 days ago
Doctor who died of COVID-19 sent this message to his friends: “It is my fervent hope that all of you may assist the rest of my family in our most difficult times!”
PHOTO/S: freepik.com

Heartbreaking ang mga kuwento tungkol sa frontliner na nagbuwis ng buhay dahil sa COVID-19, pero hindi man lamang sila mabigyan ng huling basbas ng mga pari.

Mga bayani ang mga doktor, nurse, at ibang medical personnel na patuloy na ginagawa ang kanilang mga responsibilidad para mapagaling ang mga biktima ng COVID-19, kahit tiyak nilang nasa panganib din ang mga buhay nila.

Bago sumakabilang-buhay ang isang doktor dahil sa COVID-19 kahapon ng madaling-araw, March 22, nagawa pa nitong magpadala ng mensahe sa kanyang mga kaibigan.

Ito ay para ihabilin ang misis niyang tinamaan din ng COVID-19 at ang nag-iisang anak nila.

Ito ang bahagi ng mensahe ng doktor na kumalat sa social media:

“Good evening, my beloved brethren!

"The turn of events is just no longer going in my favor.

"The feeling you get, aside from extreme pains all over, difficulty of breathing and as if all life is being sucked from your body!

Continue reading below ↓

"They will be putting cutdown lines and central tubes on me anytime soon! If they intubate me and place me on ventilator, then the game is almost over!”

Doktor din ang asawa ng pumanaw na doktor, at may autism ang kanilang anak.

Sa kanyang huling mensahe, sinabi ng doktor na kailangan ng financial at emotional care ng kanyang anak sa buong buhay nito—isang bagay na hindi na niya magagampanan.

"If Ateng [his wife] survives, then my wish for her and Raymond [his son] for a long and happy life will bear fruition!

"Raymond however needs financial and emotional care for the rest of his life!

"Something I may no longer be able to fulfill!

“It is my fervent hope that all of you may assist the rest of my family in our most difficult times!” ang napakalungkot na habilin ng doktor na namayapa.

Bawal ang mga bisita kaya napakalungkot ng sitwasyon ng mga biktima ng COVID-19.

Continue reading below ↓

May mga binawian ng buhay na nag-iisa at agad na ipinapa-cremate kaya kumilos na ang mga paring gustong bigyan ng huling sakramento at basbas ang mga nasa bingit ng kamatayan.

Nitong Linggo ng umaga, nagkaroon ng panawagan ang isang samahan ng mga doktor sa sinumang makapagbibigay ng hazardous materials o hazmat suit sa tatlong pari na desididong magpunta sa isang ospital na itinalaga ng pamahalaan bilang central hospital para sa lahat ng mga pasyente ng COVID-19.

Ito ay upang gampanan ang kanilang misyong mabasbasan ang mga nag-aagaw buhay.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Doctor who died of COVID-19 sent this message to his friends: “It is my fervent hope that all of you may assist the rest of my family in our most difficult times!”
PHOTO/S: freepik.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results