Mga kongresista, binatikos dahil sa "We Went To Work For You, So Please Stay Home For Us" banner

by Jojo Gabinete
6 days ago
(Left photo)) Pumasok sa Kongreso ang ilang mambabatas, kabilang si House Speaker Alan Peter Cayetano, hawak ang banner na may nakasulat na "Together With Doctors and Frontliners. We Went To Work For You, So Please Stay Home For Us." (Right photo) Ang mga doktor, nurses, at iba pang medical personnel ng isang ospital na may hawak ding banner na may nakasulat na "WE STAYED AT WORK FOR YOU and all that we ask for is for you guys to.......PLEASE STAY AT HOME FOR US."
PHOTO/S: Screen grab / Lyndon Cosico

"Together With Doctors and Frontliners, We Went To Work For You, So Please Stay Home For Us."

Ito ang nakasulat sa banner ng mga miyembro ng House of Representatives, sa pangunguna ni House Speaker Alan Peter Cayetano, nang magpakita sila sa Kongreso nitong Lunes ng umaga, March 23.

Pumasok ang mga kongresista para sa special session ng special power na hinihiling ni President Rodrigo Duterte para sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ang manatili sa kanilang mga tahanan ang sambayanang Pilipino marahil ang intensiyon ng mga mambabatas sa dalang banner.

Pero imbes na makakuha ng simpatiya, batikos ang inabot ng mga mambabatas mula sa marami nating kababayan.

Kabilang sa "sanitized reactions" ng netizens: huwag ikumpara ng mga mambabatas ang sarili sa frontliners dahil hindi sila mga bayani; huwag pabibo at pabida; at obligasyon nilang tumulong sa mga taong nagluklok sa kanila sa puwesto.

Hindi natuwa ang marami sa ginawa ng mga kongresista.

Continue reading below ↓

Tinawag din silang "second rate, trying hard, copycats"—ang iconic na linya ni Cherie Gil sa 1985 blockbuster movie na Bituing Walang Ningning.

Hindi original ang idea ng mga miyembro ng House of Representatives.

Si Dr. Lyndon Cosico ng San Juan De Dios Hospital sa Pasay City ang unang doktor na umapela sa mga taong manatili sa kani-kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

Nag-viral noong March 18 ang litrato ni Dr. Cosico na may hawak na papel na ito ang nakasulat: "We Stayed At Work For You, Please Stay At Home For Us”

Ang kanyang apela sa lahat: “On behalf of ALL the Health Care Workers who are risking their lives at the battlefield. WE STAYED AT WORK FOR YOU and all that we ask for is for you guys to.......PLEASE STAY AT HOME FOR US"

Continue reading below ↓

Umani ng papuri at pasasalamat ang post ni Dr. Cosico, na kabaligtaran sa nangyari sa panawagan ng mga kongresista.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo)) Pumasok sa Kongreso ang ilang mambabatas, kabilang si House Speaker Alan Peter Cayetano, hawak ang banner na may nakasulat na "Together With Doctors and Frontliners. We Went To Work For You, So Please Stay Home For Us." (Right photo) Ang mga doktor, nurses, at iba pang medical personnel ng isang ospital na may hawak ding banner na may nakasulat na "WE STAYED AT WORK FOR YOU and all that we ask for is for you guys to.......PLEASE STAY AT HOME FOR US."
PHOTO/S: Screen grab / Lyndon Cosico
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results