Pinay COVID-19 patient sa Canada, lumala ang kundisyon dahil hindi nagsabi nang totoo

by Jojo Gabinete
6 days ago

Pinatotohanan ni Philippine Heart Center Medical Director Dr. Joel Abanilla ang kuwento tungkol sa pasyenteng nagpunta sa naturang ospital para magpa-check up ngunit naglihim.

Positibo sa COVID-19 ang pasyente, pero hindi nito ipinagtapat sa doktor na tumingin sa kanyang may foreign-travel history siya.

Ang pagkakaroon lamang ng heart ailment ang sinabi ng pasyente.

Sa panayam sa kanya ni Noli de Castro sa DZMM ngayong Lunes, March 23, kinumpirma ni Dr. Abanilla na may doktor ang Philippine Heart Center na namatay dahil sa COVID-19.

Ito ang dahilan kaya nanawagan ang direktor na si Daryll Yap na huwag magsinungaling ang mga pasyente.

INCIDENT IN CANADA

Hindi lamang sa Pilipinas nangyayari ang ganitong insidente.

Sa testimonya ng isang Filipina nurse na nagtatrabaho sa isang kilalang ospital sa Toronto, Canada, isang pasyente ang lumala ang kundisyon tatlong araw matapos i-confine dahil hindi siya naging matapat.

Filipino-Canadian ang nasabing pasyente.

Kuwento ng Filipina nurse na nakapanayam ng Cabinet Files sa pamamagitan ng Facebook messenger, “She’s been intubated, transferred to ICU and connected to ventilator because she cannot breath anymore.

Continue reading below ↓

“She’s in a very critical condition and unconscious.

"Ang sad part, hindi siya nagsabi sa amin nang totoo.

"Ang sabi niya, she’s just staying at home. Itinanggi rin niyang may sign at symptoms siya ng respiratory infection.

"Pero nalaman naming nanggaling siya sa Europe, dahil from Europe ang asawa niya.

"Binigyan namin siya ng instruction na tawagan ang unit namin, which handles chronic patients, kapag may symptoms siya ng respiratory inspection para masabi namin sa kanya ang precautionary measures.

"Pero hindi niya ginawa."

Patuloy ng nurse, "Right now, naka-quarantine ang ibang co-workers namin dahil sa exposure sa pasyente na may COVID-19, kaya lalo kaming nahihirapan.

"Yung mga uncooperative and dishonest patients ang lalong nagpapahirap sa sitwasyon."

Updated ang Filipina nurse sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kaya may mahigpit siyang panawagan.

"Talagang makakatulong at makakaiwas lang tayo sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagtigil ng bahay at, sana, sumunod ang lahat ng mga kababayan natin diyan sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"Nakakapag-alala ang katigasan ng ulo ng ibang kababayan natin. They’re putting the whole Philippines at risk.

"I can’t share the full details of what we’re experiencing right now, but it’s really difficult.

"We are always very busy due to over workload and we’re under staff.

“Being a nurse for 28 years, hindi ako natakot sa propesyon ko hanggang dumating itong COVID-19.

"Saksi ako sa panganib na dala ng virus na 'to."

Ayon sa National Post, as of March 23, 4.a.m., may 1472 cases ng COVID-19 cases sa Canada (43 presumptive, 1429 confirmed including 21 deaths, 15 resolved).

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results