Mobile Palengke sa Pasig City, inilunsad ni Mayor Vico Sotto

by Jojo Gabinete
5 days ago
Mayor Vico Sotto on Mobile Palengke: "Presyong palengke, mas malapit sa mamimili, at tulong na rin sa mga maninindang Pasigueño."
PHOTO/S: Vivo Sotto Facebook

Hindi na kailangan ng mga residente ng Pasig City magsadya sa palengke o wet market para mamili ng pagkain.

Ito ay dahil sa bagong proyekto ni Mayor Vico Sotto—ang Mobile Palengke.

Imbes na pumunta sa palengke ang mamamayan ng Pasig City, ang palengke ang darayo sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng Mobile Palengke.

Isa itong solusyon para hindi magsiksikan ang mga tao at para maipatupad ang social distancing.

"Upang mabawasan ang dami ng tao sa Pasig Mega Market at mga talipapa, inilunsad namin ang MOBILE PALENGKE,” pahayag ni Sotto sa kanyang Facebook post ngayong Martes ng hapon.

"Presyong palengke, mas malapit sa mamimili, at tulong na rin sa mga maninindang Pasigueño (galing sa Mega Market ang bigas, karne, gulay),” dagdag na pahayag ni Sotto.

Nangako ang alkalde na makikita sa Facebook page ng Pasig City Public Information Offive ang schedule ng limang Mobile Palengke na mag-iikot sa siyudad na pinamumunuan niya.

Continue reading below ↓

"Parallel effort dito, namimigay na rin tayo ng food/grocery packs sa mga barangay.

"Paalala muli kung gaano kalaki ang operations na ito—imposibleng maperpekto sa napaka iksing panahon.

"Aabot ng 7 araw bago maikutan ang lahat ng pinakamahihirap na lugar sa Pasig," ani Sotto.

Dahil sa panibagong proyektong ito, tila muling pinatunayan si Sotto na totoo ang city slogan na "Umaagos ang Pag-Asa sa Pasig" sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Vico Sotto on Mobile Palengke: "Presyong palengke, mas malapit sa mamimili, at tulong na rin sa mga maninindang Pasigueño."
PHOTO/S: Vivo Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results