Medical personnel ng Fabella Hospital, nanawagan para mabigyan sila ng PPE

by Jojo Gabinete
3 days ago
Medical personnel of Fabella Hospital: "We need to unite since we are not a priority hospital and we do not have the correct PPE (especially for those entering the ISO Ward), let us all do our part and bombard DOH to give us enough PPE especially the hazmat (type A) suit, and correct N95 mask."
ILLUSTRATION: Arianne Braga

Nananawagan sa Department of Health ang mga tauhan ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital na bigyan sila ng mga personal protective equipment (PPE).

Kulang na kulang daw kasi ang kanilang mga ginagamit.

"We need to unite since we are not a priority hospital and we do not have the correct PPE (especially for those entering the ISO Ward), let us all do our part and bombard DOH to give us enough PPE especially the hazmat (type A) suit, and correct N95 mask.

"We also deserve the PPE," nagkakaisang panawagan ng medical personnel ng national maternity hospital sa Sta.Cruz, Manila.

Umaapela sa DOH ang mga empleyado ng Dr. Fabella Memorial Hospital na bigyan sila ng PPE sa lalong madaling panahon.

Ito ay para magampanan nila nang walang pangamba ang kanilang mga tungkulin, lalo pa’t mga buntis, mga bagong panganak na ina, at mga bagong silang na sanggol ang kanilang mga pasyente.

Continue reading below ↓

"Least priority talaga kami sa mga nabibigyan ng PPE, e, mga buntis na under investigation at under monitoring sa COVID-19 ang mga referral sa amin,” hinaing ng isang empleyado ng Dr. Fabella Memorial Hospital.

"Apat na ang pasyente namin na PUI at hinihintay pa namin ang resulta ng mga swab test sa kanila.

"Mga nakapanganak na sila kaya nasa opsital din ang babies nila," dagdag na impormasyon ng Cabinet Files source na nababahala para sa mga kasamahan niya at sa mga pasyente ng nabanggit na maternity hospital.

Nagmula sa mga lugar sa Maynila na may mga positive case ng COVID-19 ang mga pasyente na PUI at PUM dahil taglay nila ang mga sintomas ng mapanganib na virus.

Para sa kaligtasan ng lahat, limitado ang oras ng pagbisita, mahigpit na ipinatutupad ang social distancing sa mga dumadalaw, no mask no entry, at tinitingnan ang body temperature ng lahat ng mga tao na pumapasok sa Dr. Fabella Memorial Hospital.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Medical personnel of Fabella Hospital: "We need to unite since we are not a priority hospital and we do not have the correct PPE (especially for those entering the ISO Ward), let us all do our part and bombard DOH to give us enough PPE especially the hazmat (type A) suit, and correct N95 mask."
ILLUSTRATION: Arianne Braga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results