Nurse, naglabas ng hinaing dahil sa pagdistansiya at pandidiri ng iba

by Jojo Gabinete
Mar 25, 2020
Inilahad ng nurse na si Maphie Franco ang nararanasang diskriminasyon sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.

Nakararanas ng discrimination mula sa kapwa Pilipino ang mga health workers natin.

Iniiwasan sila at inilalayo ang tingin sa kanila sapagkat pinaiiral ang takot na baka positibo ang health workers sa COVID-19.

Isa si Maphie Franco, 34-year-old nurse na nagtatrabaho sa East Avenue Medical Center sa Quezon City, sa nakaranas ng diskriminasyon.

Biyuda na si Maphie.

Namatay ang kanyang asawa sa isang vehicular accident noong 2016.

May isa silang anak na babae, limang taon gulang, na nasa pangangalaga ng mga magulang ni Maphie sa Bataan habang nagtatrabaho siya sa East Avenue Medical Center.

Nangungupahan si Maphie sa isang apartment sa Project 7, Quezon City.

Tuwing day off niya, saka siya umuuwi sa Bataan para dalawin ang kanyang anak.

Buhat nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19, hindi na nabibisita ni Maphie ang anak niya.

Ang akala ng anak ni Maphie ay nagtatrabaho na siya sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Dahil sa public transport ban, nahihirapang makasakay si Maphie para makapag-duty sa EAMC.

Noong una, naglalakad siya mula sa Project 7 hanggang sa ospital na kanyang pinaglilingkuran.

Lahad ni Maphie sa Cabinet Files, "Ilang araw rin po akong naglakad papasok sa ospital dahil kinakaya ko pa.

"Inaabot po ng 48 minutes ang paglalakad ko papasok at pauwi.

"Pero sumuko na rin po ako kaya naghihintay na lang talaga ako nang masasakyan.

"May shuttle po para sa frontline healthcare workers, pero mas marami ang papunta sa Fairview, Quezon City, dahil mas marami ang staff na umuuwi roon."

DISCRIMINATION AGAINST FRONTLINERS

Bukod sa hirap sa paghahanap ng masasakyan para makapag-report sa trabaho, ang diskriminasyong nararanasan mula sa kapwa Pilipino ang nakakapagpabigat sa kalooban ni Maphie.

"Kapag naka-white uniform ka, parang ilag sa 'yo ang mga tao. Sa iba sila tumitingin.

"At hindi naman natin sila masisisi dahil natatakot sila, lalo na ngayon na kalat na kalat na ang COVID-19, at hindi mo na alam kung sino ang may virus o wala."

Continue reading below ↓

Ayon kay Maphie, mismong kapitbahay niya ang nais siyang paalisin sa apartment nila dahil sa kanyang trabaho.

Kuwento niya, "Kahapon, March 24, papasok na ako sa ospital nang makausap ko ang isang kapitbahay namin.

"Sinabi niya sa akin na kinakausap ng teacher na kapitbahay namin ang lahat ng mga tenant na magkaisa sila para paalisin ako.

"Baka raw makahawa ako dahil nagtatrabaho ako sa ospital.

"So, kinausap ko ang landlady namin, yung may-ari ng mga apartment.

"Sinabi ko sa kanya na nakakasama ng loob ang ginagawa ni teacher, na hindi ko naman kinakausap dahil diretso na ako sa bahay kapag umuuwi ako.

"Ang sabi ng landlady namin, huwag ko na lang pansinin si teacher dahil wala itong karapatang paalisin ako, saka nagbabayad naman ako nang tama.

"Hindi po ako kakausapin ni teacher dahil takot nga siyang mahawa, kaya gumagawa na lang siya ng paraan na mapaalis ako."

May apela si Maphie sa mga taong hinuhusgahan at iniiwasan ang mga nurse na kagaya niya.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "Humihingi po kami sa kanila ng pang-unawa.

"Huwag naman po sana nilang ipakita na parang nandidiri sila sa amin at parang may sakit kami na nakahahawa.

"Hindi po namin ito ginusto na mangyari.

"Kung may choice lang kami, hindi na kami papasok dahil natatakot din kami para sa mga pamilya namin.

"Todo na nga po ang alaga at pag-iingat ang ginagawa namin dahil ayaw namin na dapuan ng sakit na 'to."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilahad ng nurse na si Maphie Franco ang nararanasang diskriminasyon sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results