Jessica Soho at Vicky Morales, nag-trending sa pag-handle nila sa Koko Pimentel issue

by Jojo Gabinete
3 days ago
Pinapurihan ng maraming netizens ang 24 Oras anchors na sina Jessica Soho (kaliwa) at Vicky Morales (kanan) dahil sa paraan ng pagtatanong nila tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Senator Koko Pimentel (gitna).
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras

Nag-trending sa social media nitong Miyerkules ng gabi, March 25, ang 24 Oras anchors na sina Jessica Soho at Vicky Morales.

Piinuri ng netizens ang intelihente, prangka, pero magalang at maayos na paraan ng pagtatanong nila tungkol sa ginawang paglabag ni Senator Koko Pimentel sa quarantine protocols ng Makati Medical Center.

Para sa maraming nakapanood sa Wednesday edition ng 24 Oras, sina Jessica at Vicky ang naging boses ng mga Pilipinong hindi natutuwa sa mga inaasal ng government officials na hindi nagpapakita ng magandang halimbawa.

JESSICA SOHO. Ito ang dalawa sa mga tanong ni Jessica kay Pimentel na hinangaan ng netizens at ng viewers ng 24 Oras:

1. "So, you're qualifying na home quarantine yun? Kasi di ho ba, earlier, e, may mga nagpositibong senador kaya medyo may ano rin yun, baka may iba pa, yung mga ganyan.

Hindi ho ba kayo nag-err on the side of caution?

I think yun ho ang hinahanap sa inyo—you knew that there was a danger that you’re exposed, tapos pumunta pa kayo sa isang ospital."

Continue reading below ↓

2. "Senator, of course, I have to say that we’re sorry you tested positive, pero kailangan ko ho rin tanungin ito. Kasi, isyu the past days, bakit parang may palakasan daw diyan sa testing na ‘yan?

At yung mga pulitiko natin, nakapagpa-test kahit wala naman silang symptoms, gayung ‘yung mga PUI [Person Under Investigation] na may malalang symptoms, lalo na po yung ating mga medical frontliner, ni hindi mabigyan ng pagkakataon para makapag-test at mahaba po yung pila.

Paano ba nangyari ‘to?"

VICKY MORALES. Tumanggap naman ng mga papuri si Vicky mula sa netizens dahil hindi niya itinago ang tunay na nararamdaman sa kanyang panayam kay Dr. Saturnino Javier, ang medical director ng Makati Medical Center.

1. Sabi ni Vicky, na bakas sa mukha ang pagkadismaya: "Doc, medyo nakakagalit, nakakalungkot itong nangyari sa hanay ng mga healthworker sa Makati Medical Center.

I can just imagine siguro umuusok yung mga chat group ng mga doktor sa mga sandaling ito.

Can you enlighten us po kung ano yung environment right now at Makati Medical Center?"

Continue reading below ↓

Hindi marahil naitago ni Vicky ang kanyang emosyon dahil ang kanyang amang si Dr. Dante Morales, na isang cardiologist, ay kabilang sa frontliners.

NETIZENS PRAISE JESSICA, VICKY

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa female anchors ng 24 Oras:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Dahil sa paglabag ni Senator Pimentel sa health quarantine protocols ng Makati Medical Center at dahil sa paglagay niya sa kapahamakan sa mga nakahalubilo niya, marami sa ating mga kababayan ngayon ang hinihinging mag-resign na siya sa puwesto.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinapurihan ng maraming netizens ang 24 Oras anchors na sina Jessica Soho (kaliwa) at Vicky Morales (kanan) dahil sa paraan ng pagtatanong nila tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Senator Koko Pimentel (gitna).
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results