Italian nurse na COVID-19 positive, isinakripisyo ang sarili nang di makahawa sa iba

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2020
PHOTO/S: Inquistr

Dahil sa takot na baka nahawahan niya ang ibang tao, pinili diumano ng Italian nurse na si Daniela Trezzi na kitilin ang sariling buhay.

Ayon ito sa pahayag ng Federazione Nazionale Ordini Professioni Infermieritich o National Federation of Nurses of Italy.

Naglilingkod si Trezzi sa Intensive Care Unit ng San Gerardo Hospital sa Monza, isa sa mga region sa Lombardy na tinamaan nang husto ng COVID-19 pandemic.

Nagpositibo sa COVID-19 ang 34-year-old nurse.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni San Gerardo Hospital general manager Mario Alparone ang pagkitil ni Trezzi sa sariling buhay.

Ayon kay Alparone, may sakit si Trezzi mula pa noong March 10.

Tulad ng kanyang ibang mga kasamahan sa San Gerardo Hospital na nakararanas na ng matinding stress, dahil sa dami ng kanilang COVID-19 patients, nakaramdam siya ng pangambang baka nahawaan niya ang ibang tao.

Nagpahayag ng matinding kalungkutan at pagkadismaya ang National Federation of Nurses of Italy sa nangyari kay Trezzi.

Pahayag nila: “Each of us has chosen this profession for good and, unfortunately, also for bad: we are nurses.

"The condition and stress to which our professionals are subjected is under the eyes of all."

Headline ngayon sa mga international news si Trezzi dahil sa sakripisyong ginawa niya.


Continue reading below ↓

SENATOR PIMENTEL'S "ESSENTIAL MOVEMENT"

Tulad ni Trezzi, nagpositibo sa COVID-19 si Senator Koko Pimentel.

Pero hindi ito nagpakita ng pagkabahalang baka may mahawa sa kanya.

Noong gabi ng March 24, nagpunta ang dating Senate president sa Makati Medical Center para samahan ang buntis na asawa.

Sumiklab ang galit ng mga Pilipino kay Pimentel dahil inilagay nito sa panganib ang ibang mga pasyente at ang medical personnel ng Makati Medical Center.

Pero sa mga interbyu sa kanya kahapon, iginiit ng senador na "essential movement" ang ginawa niya.

"This is an essential movement kasi manganganak, e.

"Sinong sasama sa manganganak na misis kundi si mister?” depensa ni Pimentel sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa 24 Oras nitong Miyerkules ng gabi, March 25.

Ngayong umaga, March 26, nagpainterbyu si Pimentel kay Karen Davila sa programa nito sa ANC.

Sabi ng senador nang kumustahin ni Karen ang kalagayan niya: "I am up and about. Feeling normal, feeling better.

Continue reading below ↓

"Wala nang sore throat, kahapon andaming interview.

"Not experiencing any symptoms now. I never experienced persistent cough, fever."

Sa naturang panayam, muling humingi ng paumanhin si Pimentel dahil nabasa niya ang official statement ng Makati Medical Center na kinondena ang kanyang "irresponsible and reckless action."

Pero may pakiusap ang senador.

Aniya: "My wife is still under the care of MMC. I ask that they take care of her and the baby who’s still inside her tummy.

"Please take care of her like an ordinary patient even when they say that I have breached their protocols.

"I never intended to breach any protocol, but I realize now that my presence in the hospital, unnecessarily caused additional anguish, concern to the courageous frontline health workers present there on who we all depend.

"So I was simply there to be with my wife for the birth of our daughter."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Inquistr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results