Jessica Soho, hindi pansarili ang birthday wish sa panahon ng COVID-19 pandemic

by Jojo Gabinete
Mar 27, 2020
Jessica Soho, dinagsa ng birthday greetings mula sa netizens na humahanga sa kredibilidad niya bilang broadcast journalist.
PHOTO/S: Jessica Soho Facebook

Ngayon, March 27, ang 56th birthday ng multi-awarded at respected broadcast journalist na si Jessica Soho.

Higit daw sa personal na kahilingan, panalangin niya sa Diyos sa kanyang kaarawan na malampasan ng sambayang Pilipino ang banta ng COVID-19 pandemic.

"I pray that this too will pass and we will all heal," ani Jessica sa panayam ng Cabinet Files.

"My most fervent prayers are for our frontliners—doctors, nurses, medical personnels, policemen, service workers."

Pati mga katrabaho sa GMA-7 ay kasama sa dasal ni Jessica.

Aniya, "And of course, our news teams who cover and produce stories despite the risks."

Ang untainted credibility ni Jessica bilang broadcast journalist ang isa sa mga katangian niyang hinahangaan ng publiko.

Nito lang March 25, tumanggap siya ng mga papuri dahil sa walang paligoy-ligoy pero marespetong panayam niya kay Senator Koko Pimentel.

Naganap iyon sa sa 24 Oras, ang late-night newscast ng GMA-7, noong Miyerkoles, March 25.

Continue reading below ↓

Kaya lalong bumaha sa social media ang mga pagbati kay Jessica ng maligayang kaarawan.

Hindi man siya personal na kilala ng karamihan sa netizens, itinuturing siyang inspirasyon at idolo dahil sa kanyang hindi matatawaran na kredibilidad sa paghahatid ng balita at balanseng opinyon.

Ang mataas na paggalang kay Jessica ng publiko ang dahilan kaya patuloy na namamayagpag ang lahat ng kanyang mga programa sa telebisyon, gaya ng Kapuso Mo Jessica Soho at State of the Nation.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kapansin-pansin din na hindi siya opinionated kumpara sa ibang colleagues niya na active sa social media kaya nakararanas ng mga batikos mula sa netizens.

Ano ang hamon sa isang broadcast journalist na gaya niya sa panahon na matindi ang banta ng COVID-19?

Sagot ni Jessica, "The challenge is how to continue working while trying to stay safe and healthy."

Narito ang ilang birthday greetings mula sa netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessica Soho, dinagsa ng birthday greetings mula sa netizens na humahanga sa kredibilidad niya bilang broadcast journalist.
PHOTO/S: Jessica Soho Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results