Pinakabatang may COVID-19, 21-month-old toddler mula sa Oriental Mindoro

by Jojo Gabinete
Mar 27, 2020
Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, nanawagan sa DOH na ipa-test muli ang 21-month-old toddler na may COVID-19.
PHOTO/S: Governor Bonz Dolor / Oriental Mindoro PISD Facebook

Isang 21-month-old toddler na residente ng Barangay Ilaya sa Calapan, Oriental Mindoro, ang pinakabatang nag-positibo sa COVID-19.

Ito rin ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Oriental Mindoro.

May history ng travel ang female toddler sa Alabang, Muntinlupa, mula March 5 hanggang March 12, 2020.

Dahil napakabata pa ng pasyente, hiniling ni Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor sa Department of Health na muling ipasuri ang specimen ng baby girl.

Ito ay para matiyak na positibo talaga ito sa COVID-19.

Kinumpirma naman sa Cabinet Files ni Provincial Health Officer II Dr. Normando Legaspi na naka-confine sa ospital ang toddler.

Sumasailalim din daw ito sa dengue treatment.

Continue reading below ↓

Nagbigay si Governor Dolor ng instructions sa Provincial Health Office at City Health Office na magsagawa ng contact tracing sa lahat ng mga taong nakasalamuha ng bata.

Mahigpit din ang pagpapatupad niya sa home quarantine at proper monitoring para hindi kumalat ang COVID-19 sa Oriental Mindoro.

Nanawagan pa si Governor Dolor sa kanyang mga kababayan na huwag magpadala sa takot.

Sabi ng governor, "Hindi po makakatulong ang mag-panic sa ganitong sitwasyon.

"Kailangan natin na lalong sumunod sa mga panuntunan ng Strict Home Quarantine, Physical Distancing, Liquor Ban at Wearing ng facial mask.

"Lalo tayong naghihigpit sa pagpapapasok ng mga tao mula sa labas ng Oriental Mindoro."

Pinaalalahanan din ng governor ang mga taga-Oriental Mindoro na sundin ang quarantine protocol.

"Inaatasan ko ang PNP-PPO, Philippine Army, Philippine Coast Guard, PPA, Maritime Police at lahat ng Bantay-Dagat na lalo pang higpitan ang pagbabantay sa mga boarder at points of entry sa buong lalawigan.

Continue reading below ↓

"Nananawagan din po ako sa lahat na kung meron kayong kapamilya na nasa labas pa ng Oriental Mindoro ay huwag nang magpilit pumasok pa, para po sa kapakanan ng inyong pamilya at ng buong lalawigan.

"Sumunod na po tayo sa sa ipinag-uutos ng pamahalaan! Stay home! Help save lives!"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, nanawagan sa DOH na ipa-test muli ang 21-month-old toddler na may COVID-19.
PHOTO/S: Governor Bonz Dolor / Oriental Mindoro PISD Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results