Manny Pacquiao, pinaghu-home quarantine dahil sa viral photo nila ni Senator Koko Pimentel

by Jojo Gabinete
Mar 27, 2020
Ang larawang ito nina Senator Koko Pimentel (kanan) at Senator Manny Pacquiao ang pinagbasehan ng ilang mga residente ng Barangas Dasmariñas upang sabihan ang Pambansang Kamao na mag-home quarantine. Kuha ang nasabing larawan sa fellowship meeting ng PDP-Laban noong March 4.
PHOTO/S: Instagram

Si Senator Koko Pimentel ay dumalo sa fellowship dinner ng PDP-Laban na ginanap sa bahay ni Senator Manny Pacquiao, sa Makati City, noong March 4, 2020.

Hindi pa itinuturing na PUI (Person Under Investigation) o PUM (Person Under Monitoring) si Senator Koko nang araw na iyon.

Pero hindi ito naging sapat na dahilan para hindi makatanggap ng sulat ang Pambansang Kamao mula sa barangay captain ng Barangay Dasmariñas.

Kumalat ang nasabing sulat sa social media ngayong Biyernes ng gabi, March 27.

Nakasaad sa sulat na mag-self-quarantine si Pacquiao, ang pamilya nito, at mga kasambahay.

Ito ay dahil nagkasama sila ni Pimentel sa party na ginanap sa tahanan ng athlete-politician.

Base raw ito sa rekomendasyon ng Makati Health Department at ng mga doktor ng Makati Medical Center, na residente rin ng Barangay Dasmariñas.

Pirmado ito ni Barangay Captain Rossana Hwang.

Nakalagay sa sulat ni Hwang na itinuturing si Pacquiao na PUM dahil sa litrato nila ni Pimentel na nag-viral.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bahagi ng nakasaad sa sulat na natanggap ni Pacquiao: "Many of your colleagues in Senate have been identified to be COVID positive.

"Therefore, you have to be quarantined at your own house.

"For your own family and household’s safety, please have yourself quarantined, STAY HOME.

"No one including any of your household can come out.”

Continue reading below ↓


March 4 nang mangyari ang fellowship dinner ng mga miyembro ng PDP-Laban sa Makati residence ni Pacquiao.

March 5 ginanap ang Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture hearing, kung saan nagkaroon ng exposure ang mga senador sa isang resource person na positibo sa COVID-19.

Nang aminin ni Pimentel noong March 25 na positibo rin siya sa COVID-19, saka kumalat ang video at mga litrato ng pagdalo niya sa party ng PDP-Laban.

Naghatid ito ng pangamba sa mga bisita, kahit hindi pa nakakasalamuha ng COVID-19 patient ang mga senador noong March 4.

Continue reading below ↓

Sa 62 miyembro ng PDP-Laban, 51 ang dumalo sa ginanap na fellowship dinner na kinabibilangan nina House Representatives Lucy Torres, Baby Arenas, at Lord Allan Velasco.


Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang larawang ito nina Senator Koko Pimentel (kanan) at Senator Manny Pacquiao ang pinagbasehan ng ilang mga residente ng Barangas Dasmariñas upang sabihan ang Pambansang Kamao na mag-home quarantine. Kuha ang nasabing larawan sa fellowship meeting ng PDP-Laban noong March 4.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results