COVID-19 warriors ng The Medical City, hinarana ng mga kapwa empleyado

by Jojo Gabinete
Mar 27, 2020
Mga empleyado ng The Medical City, inawitan ng "Pagsubok" at "Fight Song" ang health workers nilang nangunguna sa pagsupil ng peligrong dala ng COVID-19.
PHOTO/S: Alexis Agacite Mago Facebook

Hinarana ng mga empleyado ng The Medical City ang mga frontliners—ang health workers—na naka-assign sa COVID-19 Response Unit.

Ang head nurse ng ospital na si Alexis Agacite Mago ang nag-post sa kanyang Facebook page ng madamdaming video.

Ilan sa mga inawit ng mga empleyado ay ang "Pagsubok" ng Orient Pearl at "Fight Song" ni Rachel Platten.

Continue reading below ↓

Ang harana ay isang paraan para hindi panghinaan ng loob ang medical personnel, na ginagawa ang lahat para hindi kumalat ang COVID-19 at para gumaling ang mga pasyenteng nagpositibo sa virus.

"May God keep you safe and healthy."

"Huwag kayong magpatalo sa virus na iyan."

"Laban lang!”

Ito ang ilan sa mga encouraging na message naman ng netizens sa frontliners.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Sa statement na inilabas ng The Medical City noong March 23, kinumpirma ng management na 137 ang bilang ng frontline workers nilang naka-quarantine, dahil sa exposure sa COVID-19 patients.

Ang The Medical City ang isa sa mga ospital sa Metro Manila na lumampas na sa kapasidad ang mga inaalagang pasyente na positibo sa COVID-19.

Kaya humingi sila ng pang-unawa mula sa publiko.

Bahagi ng public advisory ng ospital: "We do not wish at all to turn you away, but the reality is that we can no longer provide your loved ones the care that they need.

"Your own initiative to look for other hospitals is appreciated."

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga empleyado ng The Medical City, inawitan ng "Pagsubok" at "Fight Song" ang health workers nilang nangunguna sa pagsupil ng peligrong dala ng COVID-19.
PHOTO/S: Alexis Agacite Mago Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results