MMDA Spokesperson Celine Pialago nangangambang may COVID-19 na rin siya

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2020
Worried si MMDA Spokesperson Celine Pialago na may COVID-19 na rin siya matapos kumpirmahin ni MMDA General Manager Jojo Garcia na positive ang test result nito.
PHOTO/S: @celinepialago on Instagram

Nag-self quarantine si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago mula pa noong March 23, 2020, dahil nakasalamuha nila ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang isang taong positibo sa COVID-19.

Kahapon, March 27, kinumpirma ni Garcia na positibo na rin siya sa COVID-19, kaya nag-aalala na rin si Pialago.

Iniisip niyang baka meron na rin siya nito, at kung ganoon ay paano na ang mga taong nakahalubilo niya?

Kahapon din nagsimulang magkaroon ng sipon at lagnat ang dating beauty queen-news reporter, pero hinihintay pa niya ang resulta ng COVID-19 test sa kanya.

“Okay naman ako. Hoping na hindi ako mag-positive dahil umuwi ako sa family ko noong Sunday, March 22. Then Monday, March 23, na namin nalaman na naka-encounter pala kami ng COVID-19 positive person a week before.

"Marami akong staff and team na nakasama ko from March 14 to March 22. I am more worried hindi para sa sarili ko kundi sa mga tao sa paligid ko dahil baka naging carrier ako ng virus na ito," ang sabi Pialago, na siya ring spokesperson ng MMDA.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy niya, "Ang team ko, may mga pamilya sila. Yung iba sa kanila, may newborn child at may mga kasama na senior citizens sa bahay na very vulnerable sa virus.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Yung ganoong stress ang nararamdaman ko pero na-warningnan ko na sila,” ang pahayag ni Pialago sa Cabinet Files.

Minabuti ni Pialago na sabihin sa publiko ang kanyang sitwasyon para mabigyan ng babala ang mga taong nakahalubilo nila ni Garcia, na halos araw-araw niyang kasama sa trabaho.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Worried si MMDA Spokesperson Celine Pialago na may COVID-19 na rin siya matapos kumpirmahin ni MMDA General Manager Jojo Garcia na positive ang test result nito.
PHOTO/S: @celinepialago on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results