Gina Alajar, Sam Milby walang COVID-19; ilang celebs, nag-positibo raw pero di pinapaalam

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2020
Fake news ang kumakalat na may COVID-19 sina Gina Alajar at Sam Milby.
PHOTO/S: File; @sammilby on Instagram

Biktima ng fake news ang multi-awarded actress turned director na si Gina Alajar. May nakapagsabi sa kanya na isang diyaryo raw ang naglabas ng balitang positibo siya sa COVID-19.

Pinabulaanan ni Gina ang balita. Nag-post ito ngayong hapon, March 28, ng resulta ng COVID-19 test niya sa kanyang Facebook page.

Nakasaad sa kanyang caption, "I was told that a newspaper writeup said I am a PUI (Person Under Investigation)…very late info na po.

"Negative ang COVID test ko and wala akong pneumonia."

Base sa resulta na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine, negative sa COVID-19 si Gina na sumailalim sa pagsusuri noong March 14, 2020.

Napapabalita rin na positive sa COVID-19 si Sam Milby, pero ito ayb pinabulaanan ng isang kaibigan niya.

"He is doing well and no COVID,” ang sagot ng kaibigan ni Sam na tinanong ng Cabinet Files.

Reportedly, may mga showbiz personalities na nagpositibo sa COVID-19, pero hindi lumalantad dahil sa takot na baka husgahan sila ng publiko.

Continue reading below ↓

Walang dapat ipangamba ang mga tinutukoy na showbiz personality dahil hindi naman nila kagustuhan na mahawaan ng dreaded coronavirus.

Makakatulong pa silang maagapan ang pagkalat ng COVID-19 kung magiging matapat sila para mabigyan ng babala ang mga tao na nakahalubilo nila, tulad ng matapang na ginawa nina Christopher de Leon at Iza Calzado.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fake news ang kumakalat na may COVID-19 sina Gina Alajar at Sam Milby.
PHOTO/S: File; @sammilby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results