Laguna total lockdown ipinatupad March 28

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2020
Ngayong araw, March 28, 2020, ang simula ng Laguna total lockdown, na ipinatupad ni Governor Ramil Hernandez.
PHOTO/S: Ramil Hernandez on Facebook

Nag-umpisa nitong ala-una ng hapon, March 28, ang total lockdown na sa buong lalawigan ng Laguna.

Ipinatupad ito ni Governor Ramil Hernandez na humihingi ng kooperasyon ng lahat para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa probinsiyang pinamumunuan niya.

Mensahe ng governor sa Facebook: "Ipinag-uutos sa lahat ng awtoridad sa lalawigan ng Laguna ang implementasiyon ng total lockdown ng probinsiya at mahigpit na pagsunod sa lahat ng panuntunan sa pagpapatupad nito.

"Hinihiling po ang kooperasyon at pang-unawa ng publiko. Maraming salamat po.“

Sa kasalukuyan, 23 sa mga residente ng Laguna ang positibo sa COVID-19, 680 ang bilang ng Persons Under Investigation (PUI), at 10,136 ang Persons Under Monitoring (PUM), at 2,429 ang cleared PUM.

Para maging malinaw sa lahat, inilabas ng administrasyon ni Hernandez ang listahan ng mga hindi residente ng Laguna na maaaring pumasok sa lalawigan ng Laguna.

Sa kategorya ng Basic Services, exempted sa total lockdown:

  • lahat ng opisyal ng Department of Health at ang staff nito
  • lahat ng health at service personnel na naka-destino sa health facilities ng local government units (LGUs).
  • mga sasakyan ng Philippine Red Cross na may Red Cross Logo at staff na may Red Cross ID
  • core staff ng World Health Organization country at regional offices
  • mga doktor at ang kanilang mga driver.
  • hospital staff at mga empleyado, kabilang ang mga janitor.
  • medical professionals at private care givers
  • emergency responders gaya ng Bureau of Fire Department, DRRMC, DSWD, Barangay Health Emergency Response Team at LGU officials.
  • security service tulad ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management nad Penology (BJMP), National Buureau of Investigation (NBI), Office for Transportation Security (OTS), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), Philippine Ports Authority (PPA), Metro Manila Development Authority (MMDA), at ibang mga Law Enforcement Agency personnel.
  • company security officers at security guards at force multipliers (barangay officials at barangay tanods).

Sa kategorya ng Daily Essentials, maaaring pumasok sa lalawigan ng Laguna:

Continue reading below ↓
  • mga empleyado ng bangko
  • ATM Service Provider crew at Armored Vehicle Crew
  • mga empleyado ng Money Transfer Services
  • mga empleyado ng hypermarkets, supermarkets, groceries, convenience at sari-sari stores
  • mga vendors sa public market
  • mga empleyado ng mga drugstores
  • staff and crew ng mga food chain, restaurants, at carinderia

Nakalagay sa public advisory ni Hernandez ang mga cellphone numbers na puwedeng tawagan ng mga taga-Laguna na may katanungan tungkol sa total lockdown.

Ngunit nang sinubukan naming tawagan, walang sumasagot sa mga hotlines.

Sa mga showbiz personalities, ang mga nagmula sa Laguna ay sina Alden Richards, Leandro Baldemor, Ara Arida, Thea Tolentino, Jeric Gonzalez, at Barbie Forteza, pero naninirahan na ang iba sa kanila sa Metro Manila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, March 28, 2020, ang simula ng Laguna total lockdown, na ipinatupad ni Governor Ramil Hernandez.
PHOTO/S: Ramil Hernandez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results