Cavite Gov Jonvic Remulla, Laguna Gov Ramil Hernandez nagpalipad ng open letter sa isa't isa dahil sa lockdown

by Jojo Gabinete
Mar 29, 2020
Cavite Governor Jonvic Remulla (L) posts an open letter to Laguna Governor Ramil Hernandez (R), who put his province under total lockdown yesterday, March 28. Remulla twits his friend Hernandez: "Dehins ako pinalusot ng checkpoint... Tandaan mo na likas ang yabang at tapang naming mga Kabitenyo."
PHOTO/S: File

Kung parang mga estudyante na nagkokopyahan sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, may cute at inspiring "bromance" naman sina Cavite Governor Jonvic Remulla at Laguna Governor Ramil Hernandez.

Apektado ang lalawigan ng Cavite sa total lockdown sa probinsiya ng Laguna na ipinatupad mula kahapon, March 28, ni Hernandez.

Ang Sta.Rosa-Tagaytay Road ang isa sa mga dinaraanan para makapasok o makapunta sa Silang, Cavite at Tagaytay City.

Para makarating sa Binan, Laguna, via SLEX, obligadong dumaan ang mga residente nito sa Carmona, Cavite, pero hindi na ito posible dahil sa total lockdown na idineklara ni Hernandez para sa Laguna.

Ngayong umaga, March 29, nag-post si Remulla ng open letter para kay Hernandez, na agad namang sumagot.

Naghatid ng saya sa mamamayan ng Cavite at Laguna ang sagutan ng dalawang gobernador. Kahit papaano ay napagaan nila ang mabigat na sitwasyon na nararamdaman ng lahat dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Heto ang sulat ni Remulla.

Dear Gob. Ramil,

Ganyanan na ha. Dehins ako pinalusot ng checkpoint mula Bgy. Inchikan, Silang, papunta Nuvali.

“Bawal daw” sabi ng hepe mo.

Balewala werpa ko sa checkpoint mo.

Tandaan mo na likas ang yabang at tapang naming mga Kabitenyo.

Ang mga taga-Laguna, mga maka-Diyos. Tignan mo pangalan ng mga bayan mo: San Pedro; Santa Cruz; Sta Rosa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kami dito: General Trias; General Aguinaldo; General Mariano Alvarez. Nilikha kami sa digmaan.

Huwag ko na marinig na tatawid ka ng SLEX papunta Maynila. Magtatayo ako ng checkpoint sa Carmona para di ka makatwid.

Umikot ka ng Rizal ngayon para maramdaman mo ang nararamdaman ng mga kababayan ko.

Iyong dating kaibigan,

Gob. Jonvic

P.S. Joke lang po ito. Even governors observe quarantine procedures. Dapat lahat tayo.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Hernandez dahil sinagot agad nito ang pahayag ni Remulla sa pamamagitan din ng open letter.

Dear Gov. Jonvic,

Continue reading below ↓

Nabasa ko na ang iyong bukas na liham at eto ang aking kasagutan.

Kapag may ulan o bagyo, lagi mo akong inuunahan magdeklara ng walang pasok. Kaya lagi akong naba-bash ng mga masisipag pumasok dine sa amin kahit mahina naman ang ulan dito sa Laguna.

Ngayon, ‘wag mo naman sanang masamain na ako naman ang nauna na nagdeklara ng Total Lockdown.

Panalangin naming mga taga-Laguna ang kaligtasan nating lahat.

At pahiram naman ng mga mandirigma mo d’yan para sa matitigas ang ulo dine sa amin.

Kung papogian naman ang usapan, mas matangkad ka laang sa akin pero tao na magsabi kung kaninong gobernador ang mas pogi.

Ang iyong Kapit-Lalawigan,

GOV. RAMIL

P.S. Joke lang din ito. Maraming salamat sa iyong pang-unawa. Kaya kayong mga kapitan at mga mayor, huwag kayong mag-aaway kapag may nag-lockdown na barangay, bayan o siyudad. Mag-unawaan tayo.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cavite Governor Jonvic Remulla (L) posts an open letter to Laguna Governor Ramil Hernandez (R), who put his province under total lockdown yesterday, March 28. Remulla twits his friend Hernandez: "Dehins ako pinalusot ng checkpoint... Tandaan mo na likas ang yabang at tapang naming mga Kabitenyo."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results