Bong Revilla: "I lost my staff and friend of almost 30 years to this COVID-19"

by Jojo Gabinete
Mar 29, 2020
Malungkot na ibinalita ni Senator Bong Revilla ang pagkamatay ng staff member niya nang dahil sa COVID-19. Halos 30 years na raw niya itong kaibigan.
PHOTO/S: Ramong Bong Revilla Jr. on Facebook

Biyernes ng gabi, March 27, nang kumpirmahin ni Senator Bong Revilla Jr. na nagpositibo sa COVID-19 ang isang staff member niya.

Ngayong hapon, March 29, malungkot na ibinalita ni Revilla na pumanaw ang kanyang tauhan na halos pamilya na ang turing niya rito dahil tumagal ng tatlumpong taon ang kanilang pagsasama.

Matindi ang sakit sa kalooban na nararamdaman ni Revilla dahil ni hindi niya mabibigyan ng huling pamamaalam ang kaibigan.

"I lost my staff and friend of almost 30 years to this COVID-19 this afternoon. I ask everyone for prayers especially para sa kanyang iniwang mga mahal sa buhay.

"Everything was so fast and sudden. He has been with me mula sa pag-aartista— through the ups and downs, the thick and thin—'tapos ngayon wala na siya.

"Salamat sa pagmamahal hindi lang sa akin kundi pati sa aking pamilya—asawa, mga anak, at mga apolalo na sa mga panahong matinding pagsubok, hindi mo ako iniwan.

Continue reading below ↓

"Pero ngayon, napakabilis ka namang kinuha sa amin, at ni huling pamamaalam, hindi namin pwedeng ibigay sa iyo. Napakasakit.

"We had a good run. I will miss you. It will not be the same."

Saka niya pinaalalahanan ang mga Pilipino na huwag balewalain ang COVID-19.

Sa pagpapatuloy ng action star, "Mga kababayan, napakabagsik ng sakit na ito. At sa pagdapo nito kung kanino, daig pa ang napakatalas na punglo na babaon sa puso ng mga nagmamahal sa iyo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Dalangin kong huwag na mapagdaanan pa ninuman ang sakit na pinagdadaanan namin ngayon.

"Please, please - stay at home. Bantayan ninyo ang inyong mga sarili at mga mahal sa buhay.

"Sa awa ng Panginoon, nawa ay matapos na ang pinagdadaanan nating ito,” ang mensahe at napakalungkot na pamamaalam ni Revilla sa kanyang sumakabilang-buhay na kaibigan.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malungkot na ibinalita ni Senator Bong Revilla ang pagkamatay ng staff member niya nang dahil sa COVID-19. Halos 30 years na raw niya itong kaibigan.
PHOTO/S: Ramong Bong Revilla Jr. on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results