Basurero sa Quezon City, may panawagan kay Mayor Joy Belmonte

by Jojo Gabinete
Mar 30, 2020
Inilahad ng garbage collector na si Alquin Flores (kaliwa, nakasumbrero) ang kanilang hinaing sa pamahaalan ng Quezon City sa gitna ng panganib na kinahaharap nila dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy of Alquin Flores

May panawagan ang garbage collector na si Alquin Flores sa mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.

Pahayag ni Flores sa panayam ng Cabinet Files kahapon, March 29, “Yung mapansin lang kami ni Mayor Joy Belmonte ang panawagan ko, lalo na yung mga higit na nangangailangan.

"Marami na ang galit sa kanya dahil sa paraan ng pamamalakad niya.

"Ganoon pa man, gawin niya ang lahat ng makakaya para rin sa sarili.

"Alam ko na napakahirap maging mayor.

"Siya ang nanay ng buong Quezon City, basta gawin niya ng tama yung obligasyon niya sa bayan."

Limang taon nang naglilingkod si Flores bilang garbage collector.

Tulad ng mga medical personnel, itinuturing din niyang frontliners sila ng kanyang mga kasamahan laban sa pagsugpo sa COVID-19.

Dahil sa tulong nila, nawawala ang mga basura at lumilinis ang paligid kaya naiiwasan ang mga sakit.

Ang Barangay Sto. Domingo at Barangay Balingasa, na sakop ng District 1 ng Quezon City, ang araw-araw na ruta ni Flores at ng kapwa garbage collectors.

Continue reading below ↓

Nagsisimula ng 7 a.m. at natatapos ng 4 p.m. ang trabaho ni Flores.

Kumikita siya ng P135 sa bawat biyahe kung apat silang nangongolekta ng basura.

Pero nagiging P105 ang bayad sa bawat isa sa kanila kapag nadagdagan ng isang kasama.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod sa napakaliit na kita, nararanasan ng grupo ni Flores na mapagtaasan ng boses ng mga residente na nagagalit kapag hindi agad nakuha o naiwan nang hindi sinasadya ang kanilang mga basura.

PANGAMBA NG MGA BASURERO

Sa panahon ng COVID-19, hindi maiwasan ni Flores at kanyang mga kasamahan na matakot dahil napakalapit nila sa panganib.

Lahad niya, "Alam naman natin na ang Quezon City ang may pinakamaraming infected ng COVID-19.

"Pero sa mga area na iniikutan namin, wala pa namang naitatala, at sana wala talaga.

"Yung mga nakakasalamuha namin na mga residente, hindi kami nakakasiguro kung infected ba sila ng virus.

"At yung mga basura na may nakukuha kami na used facemasks, wala kaming kamalay-malay kung may nahahawakan o nadadampot na kami na virus.

Continue reading below ↓

"Yung mga facemask na ginagamit namin, sariling provide namin.

"May isang nag-donate sa amin ng facemask at sabon, pero walang alcohol.

"Yung vitamins, one tablet a day, may inaabot sa amin sa garahe mula nang magkaroon ng COVID-19."

Umaasa si Flores na mabibigyan sila ng pansin, importansiya, at tulong ng Quezon City government.

Hanggang ngayon ay hindi pa nila natatanggap ang mga ipinangakong relief goods.

"Wala pang kumakatok sa bahay namin.

"Ang importante, kahit papaano nakakaraos pa naman kami

"Mahirap kung ang relief goods ang aasahan namin," sabi ni Flores.

Napapaiyak na lang daw siya kapag pinoproblema niya ang ipapakain sa kanyang asawa at mga anak.

"Masakit sa ulo, nakaka-stress kung saan ba ako kukuha ng makakain namin sa araw-araw.

"Pero lahat naman nakakayanan.

"Tiwala pa rin ako na hindi kami pababayaan ng nasa Itaas.

"Dasal ko lang, sana hindi kami tamaan ng salot na COVID-19 para tuluy-tuloy lang ang buhay.

Continue reading below ↓

"Basta walang sakit, yun ang importante.

"Sabi nga nila, sa araw-araw namin na pangongolekta ng mga basura, immune na raw kami kaya kahit COVID-19, hindi na kami tatamaan."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilahad ng garbage collector na si Alquin Flores (kaliwa, nakasumbrero) ang kanilang hinaing sa pamahaalan ng Quezon City sa gitna ng panganib na kinahaharap nila dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy of Alquin Flores
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results