Frontliners ng Laguna Doctors Hospital, nagbunyi matapos magnegatibo sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 30, 2020
Nagdasal, naghiyawan, at nagpalakpakan sa tuwa ang frontliners ng Laguna Doctors Hospital nang matanggap ang COVID-19 test results nila mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM): Negative!
PHOTO/S: Screen grab from Vincent Lo Facebook

Tuloy ang laban para sa frontliners ng Laguna Doctors Hospital sa Sta. Cruz, Laguna.

Ito ay matapos lumabas ngayong araw, March 30, ang resulta ng COVID-19 tests sa kanila: Negative!

Merong 21 ang bilang ng medical personnel (nurses at doctors), kasama ang mga helpers at janitors, ng Laguna Doctors Hospital na naging Persons Under Investigation (PUI) dahil na-expose sila sa isang diumano’y COVID-19 positive mula sa Lumban, Laguna.

Nagdasal, naghiyawan, at nagpalakpakan sa tuwa ang frontliners ng ospital nang matanggap ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Makalipas ang limang araw, makakauwi na sila sa kani-kanilang mga tahanan.

Continue reading below ↓

PATIENT TESTED POSITIVE FOR COVID-19

Sumailalim sa quarantine ang frontliners ng Laguna Doctors Hospital nang maglabas ang hospital management ng public advisory na nagpositibo sa COVID-19 ang isang pasyente na residente ng Lumban, Laguna.

Bahagi ng kanilang statement noong March 25:

"We assure the public that Laguna Doctors Hospital Inc. has done contact tracing and has identified involved healthcare workers who will be evaluated by the Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) for further advice and management.

"All health workers who were exposed without PPE [personal protective equipment] will undergo quarantine.

"As per the official statement of the Mayor of Lumban, Laguna, the patient and her family are doing well and have been instructed by their Rural Health Unit for home quarantine.

"We assure the public that all LDH facilities and rooms were properly disinfected and ready for use."


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagdasal, naghiyawan, at nagpalakpakan sa tuwa ang frontliners ng Laguna Doctors Hospital nang matanggap ang COVID-19 test results nila mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM): Negative!
PHOTO/S: Screen grab from Vincent Lo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results