Philippine Children’s Medical Center, nagluluksa sa pagpanaw ng Pediatric Surgery head dahil sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2020
Philippine Children's Medical Center on Dr. Leandro Resurreccion's death: "Our first fallen soldier in the battle vs COVID-19. The PCMC Family mourns the passing of a great surgeon, teacher, academician and friend to all."
PHOTO/S: Philippine Children's Medical Center Facebook

Nagluluksa ang buong Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa pagpanaw ni Dr. Leandro L. Resurreccion III.

Si Dr. Resurreccion, head ng Pediatric Surgery Division ng PCMC, ay pumanaw dahil sa COVID-19 ngayong Martes, March 31.

Siya ay 57 taong gulang lamang.

Bahagi ng official statement ng PCMC sa pagpanaw ni Dr. Resurreccion:

"Our first fallen soldier in the battle vs COVID-19.

"The PCMC Family mourns the passing of a great surgeon, teacher, academician and friend to all.

"He was well-known locally and abroad sa forward looking in his vision for pediatric surgery especially in Liver Transplants which he was working on to the end.

"Always smiling, friendly and very 'cool,' he will be missed.

"Our thoughts and sympathies go to his family and friends at this distressing time.

"Rest in Peace Dr. Jun."

GRATEFUL TO DR. RESURRECCION

Ang mag-asawang Chris at Thessa Ang ng Sta. Cruz, Manila, ay nagpapatunay sa kabutihan ni Dr. Resurreccion.

Nagkaroon ng liver illness ang kanilang anak na si Andrea noong June 2015.

Continue reading below ↓

"Siya lang ang liver expert na tumanggap sa case ng anak namin," sabi ng Ang couple.

"Ang laki ng discount na ibinigay niya sa amin nang sumailalim si Andrea sa hepatectomy procedure.

"From PHP1 million to P300,000 to P150,000 down to P135,000 ang ibinayad namin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Sabi ng ibang mga doktor, hindi na makakaya na operahan si Andrea dahil delikado, pero si Dr. Jun lang ang nagbigay sa amin ng hope.

"Sobrang napakabait niya."

Hinding-hindi makalilimutan ng mag-asawa ang kabutihang-loob ni Dr. Resurreccion na nagligtas sa buhay ng kanilang anak noong two years old pa lamang ito.

Six years old na ngayon si Andrea, at maayos na maayos ang kalagayan niya.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine Children's Medical Center on Dr. Leandro Resurreccion's death: "Our first fallen soldier in the battle vs COVID-19. The PCMC Family mourns the passing of a great surgeon, teacher, academician and friend to all."
PHOTO/S: Philippine Children's Medical Center Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results