Jala-Jala, Rizal vice mayor namatay sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2020
Pumanaw ang vice mayor ng Jala-Jala, Rizal na si Jose "Jolet" Delos Santos dahil sa COVID-19 ngayong Martes, March 31. Sa kanang larawan ay kasama ni Vice Mayor Jolet ang gobernador ng Rizal Province na si Nini Ynares, na nagpositibo rin sa COVID-19.
PHOTO/S: Rizal Provincial Board

Nagluluksa ang mga mamamayan ng Jala-Jala, Rizal dahil sa pagpanaw ng kanilang vice mayor na si Jose "Jolet" Delos Santos ngayong Martes, March 31.

COVID-19 ang sanhi ng kamatayan ni Delos Santos.

Nakapanayam pa ng 24 Oras si Delos Santos noong March 26, Huwebes.

Sa report ni Emil Sumangil, sinabi ni Delos Santos na nagkasakit siya matapos dumalo sa Philippine Councilors League (PCL) convention.

Ginanap ito sa SMX Convention Center sa Pasay City noong February 26 at February 27, 2020.

Ang convention ay dinaluhan din ng isang konsehal mula sa Negros Oriental na namatay din dahil sa coronavirus disease.

Sabi ni Delos Santos sa panayam ng 24 Oras, “Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yan, kung sa PCL, sa national, or dito sa piyesta na naganap sa aming barangay.

“Okay naman ako sa ngayon. Nagpapagaling ng ubo't sipon, konti na [lang]..."

Pagbibigay-assurance pa niya sa kanyang mga kababayan, "Huwag kayo mag alala."

Continue reading below ↓

Pero makalipas ang limang araw, binawian na siya ng buhay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw ang vice mayor ng Jala-Jala, Rizal na si Jose "Jolet" Delos Santos dahil sa COVID-19 ngayong Martes, March 31. Sa kanang larawan ay kasama ni Vice Mayor Jolet ang gobernador ng Rizal Province na si Nini Ynares, na nagpositibo rin sa COVID-19.
PHOTO/S: Rizal Provincial Board
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results