Ryza Cenon, natutuwa sa pagpapalabas muli ng Ika-6 Na Utos sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2020
Ryza Cenon: "Gusto kong mag-volunteer or tumulong at mamigay sana sa frontliners at street vendors, kaya lang mahirap para sa akin ang lumabas ng bahay dahil kasama ko ang lola ko. Baka hindi ko mamalayan may naiuwi na pala ako na virus."
PHOTO/S: Noel Orsal

Trivia: March 17, 2018 nang ipalabas ang huling episode ng Ika-6 Na Utos, ang afternoon drama series ng GMA-7 na sinubaybayan at sinuportahan ng publiko.

Isang taon at tatlong buwan itong napanood sa telebisyon.

Makalipas ang dalawang taon, nitong March 18, 2020, muling ibinalik ng GMA-7 ang Ika-6 Na Utos.

Ito ang pansamantalang ipinalit sa Magkaagaw habang ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Tumatak nang husto sa manonood ang Georgia character ni Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos.

Kaya hanggang ngayon, natatandaan nila ang role niyang naging usap-usapan noon.

Marami ang natuwa nang muling mapanood si Ryza sa dating home network niya, bago siya nagdesisyong lumipat sa Viva Artists Agency at nabigyan ng ABS-CBN ng sunud-sunod na television assignments.

"Nakakatuwang mapapanood na naman nila si Georgia, at kahit papaano, maaaliw uli yung mga kababayan natin habang nasa bahay sila," reaksiyon ni Ryza sa rerun ng Ika-6 Na Utos.

Walang ipinagkaiba si Ryza sa lahat ng mga artista na nagkaroon ng mahabang bakasyon dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Continue reading below ↓

Plano sana ni Ryza na maging volunteer para makatulong sa mga kababayang apektado ng COVID-19, pero ang kapakanan ng kanyang lola ang inaalaala niya.

Saad ng Kapamilya actress, "Gusto kong mag-volunteer or tumulong at mamigay sana sa frontliners at street vendors, kaya lang mahirap para sa akin ang lumabas ng bahay dahil kasama ko ang lola ko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Baka hindi ko mamalayan may naiuwi na pala ako na virus.

"Yun ang iniiwasan ko, kaya magdo-donate na lang ako para sa frontliners at sa ibang mga nangangailangan ng tulong."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon: "Gusto kong mag-volunteer or tumulong at mamigay sana sa frontliners at street vendors, kaya lang mahirap para sa akin ang lumabas ng bahay dahil kasama ko ang lola ko. Baka hindi ko mamalayan may naiuwi na pala ako na virus."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results