Nalamang positibo sa COVID-19 si Menggie Cobarrubias limang araw matapos pumanaw

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2020
Kinumpirma ng biyuda ni Menggie Cobarrubias na positibo ang resulta ng COVID-19 test sa pumanaw na beteranong aktor.
PHOTO/S: Facebook

Kumpirmadong COVID-19 ang ikinamatay ng 66-year-old actor na si Menggie Cobarrubias noong March 26.

Ito ay ayon sa report ni Mario Dumaual ng ABS-CBN.

Ang biyuda ni Menggie na si Gina Cobarrubias ang nagsabi kay Mario na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang pumanaw na asawa.

Base ito sa test result na natanggap niya mula sa St. Luke’s Medical Center Global City, Taguig, kahapon, March 31.

Hindi na nalaman ni Menggie ang resulta ng COVID-19 test sa kanya, pero tila may suspetsa na siya dahil sa “Good bye” Facebook post niya noong March 25.

Bago binawian ng buhay, natapos ni Menggie ang lahat ng mga eksena niya sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, ang suspense-thriller movie ng Regal Entertainment, Inc.

Pinagbibidahan ito ni Joshua Garcia at mula sa direksiyon ni Chito Roño.

Noong March 3 ang last shooting day ni Menggie para sa kanyang pinakahuling pelikula, kung saan dean ng isang eskuwelahan ang role niya.

Continue reading below ↓

Kaya malungkot na malungkot si Chito at ang kanyang mga co-actor sa biglang pagpanaw ng beteranong aktor.

Ang story conference noong February 10 ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa Valencia office ng Regal Entertainment Inc. ang huling pagkakataong nakaharap si Menggie ng entertainment writers.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Samantala, humihiling ng dasal ang asawa ni Menggie dahil maysakit na rin ito, at kasalukuyang naka-confine sa New Era Hospital sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Hinihintay pa ng 65-year-old widow ni Menggie ang paglabas ng resulta ng COVID-19 test sa kanya.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng biyuda ni Menggie Cobarrubias na positibo ang resulta ng COVID-19 test sa pumanaw na beteranong aktor.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results