Mark Bautista, abala sa painting at scriptwriting habang naka-quarantine

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2020
Mark Bautista: "Whatever is the end result of this whole thing, I just hope it will create something beautiful and good for mankind and for the world."
PHOTO/S: @iammarkbautista Instagram

Kalahating buwan nang hindi lumalabas ng bahay si Mark Bautista mula nang magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at kinalaunan ay sa buong Luzon.

Tulad ng karamihan sa mga Pilipino, nagkaroon siya ng panahon para gawin ang mga bagay na hindi niya masyadong nabibigyan noon ng atensiyon.

Pahayag niya, "I try to enjoy the luxury of having this moment of just staying still and reflect... breathe…

"Marami na akong time to read books and binge-watch movies without being afraid of having other schedules or jobs waiting.

"I now have time to paint again after nine years and I have time writing too..."

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Ano naman ang mga nami-miss niya habang ipinatutupad ang home quarantine?

Sagot ni Mark, "I miss the freedom of just doing whatever you want and I miss the feeling of going out without any fear at all."

Nagbahagi rin si Mark ng mga napagtanto niya sa mga nagaganap sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

"At this moment in our fast-paced, crazy and busy lives, we need something to make us stand still and something to make us grounded.

"Reflect on what’s good and what’s bad. Reflect on life—realizing what we’ve done to our world and to mankind and the things that matter the most."

WHAT KEEPS HIM BUSY

Sinusubukan ni Mark na magsulat ng kanta na puwedeng magbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino habang patuloy ang COVID-19 crisis.

Pero inamin niyang medyo nahihirapan siya.

"I’m trying. But after writing the song 'Kaya Mo,' I’m having a hard time writing another inspirational song," pag-amin ng Kapuso singer.

Continue reading below ↓

Taong 2016 nang isulat niya ang "Kaya Mo."

Dagdag niya, "I need some more inspiration, maybe because a lot of people also just released inspirational songs at this moment."

Ibang proyekto ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Hindi gaanong nagdetalye si Mark, pero sabi niya, "For some weird reason, I’m currently focused on writing a script for a particular story that I want for a musical or movie."

PRAYERS AMID COVID-19

Ang dasal daw ni Mark sa Diyos ay kapulutan ng aral ang pinagdadaanang pagsubok sa buong mundo ngayon.

"Whatever is the end result of this whole thing, I just hope it will create something beautiful and good for mankind and for the world," ani Mark.

Tingin daw niya ay akma ang kantang "Heal The World" para maghatid ng pag-asa sa lahat.

Lastly, kapag lifted na raw ang community quarantine, bukod sa pasasalamat sa Panginoon, plano raw ni Mark na bisitahin ang kanyang pamilya sa probinsiya.

Continue reading below ↓

"Take everything easy, go back to the normal routine, and maybe see my family in the province."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista: "Whatever is the end result of this whole thing, I just hope it will create something beautiful and good for mankind and for the world."
PHOTO/S: @iammarkbautista Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results