Alfred Vargas, nagpasalamat kina Solenn, Carmina, Diana, Marvin, ibang celebs na nag-donate sa feeding program 

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2020
Congressman Alfred Vargas, pinasalamatan sina Dingdong Dantes, Ai-Ai delas Alas, Rocco Nacino, at ibang kaibigang celebrities na nag-donate sa kanyang feeding program sa District 5 ng Quezon City.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial / @dongdantes / @msaiaidelasalas / @nacinorocco Instagram

Isa-isang pinasalamatan ni Quezon City Fifth District House Representative Alfred Vargas ang mga kasamahan sa showbiz na tumulong sa kanyang constituents na apektado ng COVID-19 crisis.

Halos paubos na raw ang personal resources nila ng kanyang kapatid na si QC Fifth District Councilor PM Vargas.

Pero masuwerte raw sila dahil sa showbiz personalities na may mabubuting kalooban.

"Halos tatlong linggo na po kami ni Councilor PM Vargas, nag-iikot para magbaba po ng house-to-house feeding program.

"At ngayon po, medyo paubos na po ang aming personal resources.

"Napakasuwerte po ng ating distrito kasi marami po ang good Samaritans ang tuloy-tuloy ang donasyon.

"Tuluy-tuloy ang pagtulong at pagsuporta para matulungan, lalo na po yung mga mahihirap nating mga kababayan.

"At sa pagkakataong ito, gusto ko pong magpasalamat sa mga kaibigan ko na mula sa larangan ng show business na hiningan po natin ng tulong.

"At agaran po silang nagpakita ng taos-pusong suporta at tumutulong po sila sa ating distrito."

Continue reading below ↓

Inihayag ito ni Alfred sa pamamagitan ng video na ipinost niya sa Instagram nitong Miyerkules ng gabi, April 1.

Una sa mga pinasalamatan niya ay ang Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Ai-Ai delas Alas.

Ang magkasintahang Rocco Nacino at Melissa Gohing ay nag-abot din daw ng tulong.

Binanggit din niya ang celebrity couples na sina Precious Lara Quigaman-Marco Alcaraz at Rodjun Cruz-Dianne Medina.

Ang iba pang tumulong kay Alfred ay sina Marvin Agustin, Diana Zubiri, Glaiza de Castro, Solenn Heussaff, at Carmina Villarroel.

Gayundin sina Dimples Romana, Shaina Magdayao, Carlene Aguilar, at Patricia Tumulak.

Pinasalamatan pa ng congressman sina Direk Mark Reyes, Direk Mac Alejandre, Edlyn Tallada at RJ Nuevas.

Pahayag ni Alfred: "Ang tulong ninyo ay malayong-malayo po ang mararating. At dahil sa inyo, maipagpapatuloy natin ang ating house-to-house feeding program araw-araw dito sa 5th District of Quezon City."

Nagbahagi rin siya ng mensahe para sa kanyang constituents sa District 5 ng Quezon City.

Continue reading below ↓

"Mga kaibigan, naniniwala po ako na itong pagsubok na ito ay kayang-kaya nating lampasan, at tatalunin natin itong virus na ito."

PM IS THE KEY

Ipinaalaala rin ni Alfred sa kanyang mga kadistrito na nangangailangan pa ng tulong na magpadala lamang ng private message (PM) sa official Facebook page ng kanyang kapatid na si PM Vargas.

"Kami po ni Councilor PM Vargas ay palaging nagko-coordinate, nagmo-monitor, at pinipilit po naming makatulong sa bawat isa sa inyo.

"Kung kayo po ay nangangailangan ng tulong gaya ng grocery items o grocery bags, mag-PM lamang po kayo sa Facebook ni Councilor PM Vargas.

"At pilit po naming maipapa-deliver sa inyo ang grocery items sa oras na dumating po ang mga susunod na donasyon.

"Muli po, maraming-maraming salamat sa inyong lahat, kaya nating lampasan ito. Stay safe always and God bless us all."

Continue reading below ↓

PRAYING FOR MOM'S GUIDANCE

On a personal note, ginunita ni Alfred ang ika-anim na anibersaryo ng kamatayan ng kanyang nanay na si Atty. Ching Vargas noong March 29.

Isang madamdaming open letter para sa yumaong ina ang ibinahagi ni Alfred sa Instagram:

"Dear Mom,

"Akala ko malaki na ako at kaya ko na ang lahat ng mga pagsubok ng buhay, as is. Pero bakit lagi kitang hinahanap lalo na sa panahon ngayon?

"Bakit feeling ko I would feel stronger and more secure kung nandito ka pa rin?

"Totoo nga ang sinasabi nila, everyone needs a mother; iba ang pagmamahal ng isang ina at forever mong dala-dala sa puso mo ang inyong alaala together."

Idinasal ni Alfred na sana ay patuloy siyang gabayan ng yumaong ina.

"I will never forget, Mom. Sobrang miss na miss kita. I just ask myself now 'how would have mom handled this crisis and protected her children during this time?'

Continue reading below ↓

"Then that’s what I try to do. Buti pa po kayo, Mom, walang COVID diyan sa langit.

"Please continue to guide and protect and pray for us. Mahal na mahal kita, Mom.

"Pagdating ng araw magkikita ulit tayo. But until then, rest in peace."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Alfred Vargas, pinasalamatan sina Dingdong Dantes, Ai-Ai delas Alas, Rocco Nacino, at ibang kaibigang celebrities na nag-donate sa kanyang feeding program sa District 5 ng Quezon City.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial / @dongdantes / @msaiaidelasalas / @nacinorocco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results