Frontliner na may COVID-19, takot umuwi ng bahay sa Laguna dahil sa stigma 

by Jojo Gabinete
Apr 3, 2020
Nurse na si Timothy James Covar, dapat mag-self-quarantine sa bahay sa Laguna. Pero nag-aalala ang pamilya na baka saktan siya ng mga taong takot mahawa. May nagtangka nang magsunog ng isang quarantine facility sa lugar nila.
PHOTO/S: Timothy James Covar

May insidente ng tangkang pagsunog sa isang isolation facility sa Barangay Maravilla, Nagcarlan, Laguna, kahapon, April 2.

Kinumpirma ng Nagcarlan Police na may nagtangkang sunugin ang building, na gagamitin bilang isolation area para sa mga Person Under Investigation (PUI) sa COVID-19, dahil malapit ito sa residential area roon.

Tutol ang mga residente sa lugar sa takot na mahawaan ng coronavirus.

Sa kabila ng failed arson attempt, itutuloy ng LGU ang planong gawing isolation facility ang building, na mahigpit na binabantayan ng mga pulis.

May lead na rin ang mga awtoridad sa identity ng suspected arsonist.

COVID-19 POSITIVE

Dahil sa insidente, hindi muna itinuloy ni Timothy James Covar ang pag-uwi sa bahay nila sa Majayjay, Laguna.

Ang Majayjay ay 31-minute drive ang layo sa Nagcarlan.

Si Timothy, 32, ay ambulance nurse ng Serbisyong Tama ni Laguna Governor Ramil Hernandez.

Nag-positibo si Timothy sa COVID-19 noong Miyerkules, April 1.

Pero hindi siya pinayagang makabalik sa tahanan nila sa Majayjay, kahit nakalagay sa protocol ng Department of Health na maaari siyang mag-self-quarantine.

Continue reading below ↓

May kutob si Timothy na nahawa siya sa isang pasyenteng isinakay niya sa ambulansiya.

Kuwento niya nang makausap ng Cabinet Files ngayong Biyernes, April 3, "May tinransport po akong patient na positive.

"PUI po siya noong una, pero noong lumabas po yung result, positive siya sa COVID-19.

"So, protocol po sa amin na i-swab test din ako.

"Tinest po ako noong Monday, lumabas po ang resulta noong Wednesday."

Ano ang reaksiyon niya nang malaman ang COVID-19 test result?

Sagot ni Timothy: "Noong una, medyo malungkot, pero hindi naman down na down, kasi iba po yung pakiramdam ko.

"Feeling ko po, healthy na healthy ako.

"Nag-positive lang ako, pero gagaling ako kasi malakas ang resistensiya ko.

"Malakas ang katawan ko."

Wala raw nararamdamang malubhang sintomas si Timothy.

"Nang malaman ko yung result, dapat ita-transfer ako ng team ko sa bahay namin sa Majayjay.

"Gusto ko po home quarantine, dahil based sa protocol ng Department of Health, yung mga kuwarto sa hospital ay para po sa na-admit na may severe cases.

Continue reading below ↓

"Yung mga mild symptom at mga walang symptom, iho-home quarantine na lang po."

Kusang ipinagtapat daw ni Timothy sa Provincial Health Office ng Laguna ang tungkol sa lagay niya.

Pero tila umiral ang stigma sa kaso niya.

"Before po ako i-transfer pauwi sa bahay namin, sinabi ko po sa team leader namin, 'Sir, baka puwedeng tawagan mo yung Provincial Health Office na i-coordinate sa Majayjay, kung sinuman, sa munisipyo o sa Rural Health Unit o Municipal Health Office ng Majayjay, para po hindi sila magulat.'

"Ang sabi po sa akin, hindi pumayag.

"Hindi ko alam kung sino ang hindi pumayag. Basta hindi raw po pumayag ang Majayjay.

"May naririnig po ako na kuwento na taumbayan ng barangay ang hindi payag.

"Ang sabi ko po sa boss ko, 'Sige, wala po akong choice.'

"Pero sumama po ang loob ko nang sandali," pag-amin ni Timothy.

UP TO THREE COVID-19 TESTS

Kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa San Pablo City, Laguna, si Timothy.

Continue reading below ↓

Inilirawan din niya ang proseso para ma-clear siya sa coronavirus.

"Wala pa akong idea kung ilang days pa ako dito, pero nag-reswab na sa akin ngayon, kinuhanan ako ng dugo, then X-ray.

"Ang alam ko po, kailangan po na makadalawang negative swab test ako para ma-clear ako.

"Kapag negative ako sa second swab ko, may isa pa [na test] at kailangan negative po yun."

ALLOWED TO GO HOME

Nagkaroon man ng aberya sa pag-uwi ni Timothy, nagawan naman daw ng paraan ng municipal health officer ng Majayjay na payagan siyang makauwi ng bahay.

Kahapon, April 2, tinawagan si Timothy ng municipal health officer ng Majayjay na may hatid na magandang balita.

Lahad niya, "Nag-reach out naman po yung municipal health officer ng Majayjay. Tumawag po siya sa akin, nangumusta, nag-contact tracing.

"Sabi niya sa kanyang unang call, gagawan niya ng paraan kung maiuuwi ako sa Majayjay.

"Then, nag-return call siya, sabi niya puwede na raw akong makauwi.

Continue reading below ↓

"Siyempre po, gustung-gusto kong makauwi, so um-oo po ako sa kanya."

THE STIGMA

Handa na nga sanang umuwi si Timothy nang mabalitaan ang insidente ng tangkang pagsunog sa gagawing quarantine facility kalapit sa tinitirahan niyang lugar.

Salaysay niya, "Ibinalita ko po sa nanay ko, sa ate ko.

"Yung nanay ko, nang makausap ko, alam ko yung boses niya kapag ninenerbiyos, nung sinabi ko na uuwi ako.

"Natatakot po siya na umuwi ako sa bahay namin sa Bucal, kasi isolated nga po yun, solo.

"Kaya lang may nabalitaan sila, yung nangyari sa Nagcarlan. Yung susunugin yung building."

Nag-aalala ang kaanak ng binata na baka pati siya ay mapagdiskitahan ng mga residenteng takot sa posibilidad na mahawa ng COVID-19.

Hindi raw niya tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa diskriminasyon ng ilang tao sa COVID-19 patients.

Patuloy ni Timothy, "So, natatakot sila na baka sinabi lang na payag yung mga tao, pero baka kapag solo na ako, may mangyari.

Continue reading below ↓

"Ayoko rin na mag-alala ang nanay ko kasi matanda na po siya.

“Parang kapag nakita lang nila yung pasyenteng positive sa COVID-19, mahahawa na sila.

"Parang ganoon ang thinking nila."

Hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi sa bahay ang health frontliner.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nurse na si Timothy James Covar, dapat mag-self-quarantine sa bahay sa Laguna. Pero nag-aalala ang pamilya na baka saktan siya ng mga taong takot mahawa. May nagtangka nang magsunog ng isang quarantine facility sa lugar nila.
PHOTO/S: Timothy James Covar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results