A priest's message for Semana Santa: "Our present situation is not our final destination. The best is yet to come."

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2020
Sa kabila ng COVID-19, patuloy pa ring ipagdiriwang at gugunitain ng mga Katoliko ang Semana Santa, ayon kay St. Peter Church: Shrine of Leaders priest, Father Allan Samonte.
PHOTO/S: Allan Samonte Facebook / en.wikipedia.org

Nagpa-skinhead si Father Allan Samonte.

Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa paglilingkod at sakripisyo ng ating frontliners, sabi ng pari ng St. Peter Parish: Shrine of Leaders sa Quezon City.

Paliwanag nito, “Since the 'crowning glory' of our frontliners (doctors, nurses, nursing aides, janitors) are not exposed, I decided to shave my hair with the realization that true beauty is really not skin deep but the willingness to sacrifice your life for the welfare of others... a life of significance rather than a life of success."

Dagdag nito, "Salute also to our soldiers and police officers.”

Naapektuhan ang mga aktibidad ng simbahang Katoliko mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil ipinahinto ang mga misa sa mga simbahan pansamantala.

Live streaming na lamang sa Facebook ang pagmimisa ng mga pari.

May mga kasal at binyag na ipinagpaliban para sa ibang buwan habang matindi pa ang banta ng COVID-19 sa bansa at sa mundo.

Continue reading below ↓

Ngayon ang Palm Sunday—Araw ng Palaspas—pero imbes na maging masaya ang pagdiriwang at paggunita sa matagumpay na pagpasok ni Hesus Kristo sa Jerusalem, tahimik itong ipinagdiriwang ngayon ng mga Katoliko sa kanilang tahanan.

Sa kabila ng health crisis na nararanasan ng buong mundo, tiniyak ni Fr. Allan na mananatiling instrumento ang simbahan para magbigay ng pag-asa sa sanlibutan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ang patuloy na maging instrumento ng pag-asa sa mga tao ang simbahan," ang gagawin ng Catholic church.

"Magiging matatag upang paghugutan ng lakas ng mga mananampalataya at patuloy na tumulong sa mga higit na nangangailangan nating mga kapatid sa panahon ng krisis."

Sinabi nitong hindi mawawala ang paggunita ng Holy Week.

“Plano ng simbahan na patuloy na ipagdiwang at gunitain ang Semana Santa, kaya lang, sa panamagitan muna ng social media upang maiwasan pa rin ang pagtitipon ng maraming tao at masugpo na ang epidemya ng COVID-19 sa lalong madaling panahon.”

Nang itanong ng Cabinet Files ang mga hindi niya makalilimutan na karanasan sa panahon ng COVID-19, isa-isang ikinuwento ni Fr. Allan ang mga insidente na nakapagpaluha sa kanya.

Continue reading below ↓

“Yung makita ko nung minsan ang ilang mga pulis na taimtim na nagdarasal sa tapat ng simbahan. Ramdam mo sa kanila ang malalim na pagdulog at pagpapaubaya sa Diyos ng kanilang buhay.

“Yung makita mo ang frontliners—lalo ang doctors and nurses—ay handang ibuwis ang buhay para sa mga may sakit.

“Yung magmisa ka na walang mga tao sa lugar at ang mga tao ay nasa FB Live lang...nakakaiyak pala...”

Naniniwala ba siya na may nais na ipahiwatig ang Panginoon sa paglaganap ng COVID-19 na apektado ang buong mundo?

“Marahil kasi I always believe that when the Lord allows things to happen, something good will come out of it.

“We just have to be patient... Minsan, kahit ako, feeling helpless, pero kapag nakikita ko na ang kalikasan ay unti-unting naghihilom, may ilaw ng pag- asa akong nakikita, lalo para sa mga susunod na henerasyon.

“We should take care of nature otherwise she will find ways to heal herself..."

Continue reading below ↓

Dagdag nito, “Nais din marahil ng Panginoon na matutunan natin kung ano ang tunay na dapat pahalagahan sa buhay—ang tatlong F.

"I hope that the crisis we are experiencing today will teach us what truly matters in life: Faith, Family and Friends...and in a special way we also see the importance of our frontliners.

“Let us always remember that our present situation is not our final destination. The best is yet to come.

"We just have to trust the Lord. He is greater than this pandemic we are experiencing.

"I also hope that after this crisis we will all come out renewed and better persons."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng COVID-19, patuloy pa ring ipagdiriwang at gugunitain ng mga Katoliko ang Semana Santa, ayon kay St. Peter Church: Shrine of Leaders priest, Father Allan Samonte.
PHOTO/S: Allan Samonte Facebook / en.wikipedia.org
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results