Senator Bong Revilla to Mayor Isko Moreno: "Huwag mo kaming personalin."

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2020
“Hindi tayo dapat mag-upakan... Ang kailangan nating tugunan ay yung gutom ng mga tao. Pero yung uupakan pa kami nang dahil lang sa gustong magpasikat e huwag naman," apela ni Senator Bong Revilla kay Manila City Mayor Isko Moreno, dahil sa naging pahayag ng mayor nung Huwebes, April 2.
PHOTO/S: @bongrevillajrph Instagram / Isko Moreno Domagoso Facebook

Ang paghahanap ni Manila City Mayor Isko Moreno sa mga senador na ipakita ang pagmamahal sa kapwa Pilipino ay siyang nag-udyok kina Senate President Tito Sotto at Senator Bong Revilla Jr., mga kapwa kasamahan ng mayor sa entertainment industry, upang sagutin siya.

Malinaw na hindi nagustuhan ng mga senador ang pahayag ni Moreno noong Huwebes: "Mga senador, 24 lang kayo, mga sekretaryo, mga pulitikong katulad ko.

"Ngayon nyo pakita, ngayon natin ipakita, ipakita nyo ang pagmamahal nyo sa Pilipino.

“Ngayon nyo ipakita ang pamumuno ninyo at pagmamahal nyo sa kapwa.

"Araw-araw na lang, araw-araw na lang. Nasaan kayo ngayon? Nasaan?

"Hinahanap namin kayo."

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Noong Biyernes, naglabas si Sotto ng official statement sa kanyang official Facebook page bilang sagot sa panawagan ng alkalde ng Maynila.

Pasaring ng senador sa tinatawag niyang mga "mahilig maghamon," sana raw ay "mahimasmasan kayo."

Aniya, “Para naman dun sa ilang kababayan natin na nagyayabang at mahilig maghamon sa mga Senador at pulitiko na lumabas at tumulong sa kapwa, sana mahimasmasan kayo at magkaroon ng tamang katinuan."

Pinagmalaki nito, ang mga senador ang nagbigay ng "mabilisang ayuda" sa mamamayan.

“Sa Senado nanggaling ang mungkahi na magkaroon ng special session upang mabigyan ng mabilisang ayuda ang ating mga kababayan. Sa katotohanan, karamihan ng mga kasama ko sa Senado, naka-quarantine man o hindi, ay tahimik na tumutulong sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang bayan o lugar sa aming personal na kapasidad."

Mas maanghang pa ang kanyang mga sumunod na sinabi.

“Wala kaming mga media na nakabuntot sa amin 24 Oras para maka-EPAL lang sa panahon ng COVID-19. Batid namin na hindi ito ang panahon ng pasikatan o pagalingan. Lahat tayo dapat panalo sa laban na ito. Walang Pilipino na maiiwan.”

Continue reading below ↓

Gaya ni Senate President Sotto, nagbigay rin si Senator Bong Revilla Jr. ng kanyang opinyon sa naging pahayag ni Moreno.

Pare-parehong show business ang pinanggalingan nina Sotto, Revilla, at Isko.

Naghayag ng kanyang saloobin ang aktor-senador sa ginawa nilang Facebook Live ng anak na vice governor ng Cavite na si Jolo Revilla nitong Sabado, April 4.

Continue reading below ↓

Naghahanda sila noon ng mga nalikom na PPE (Personal Protective Equipment) at medical supplies na ipamimigay sa ilang frontliners.

Nagsimula ang senador sa pagbigay ng kanyang saloobin sa bandang 8-minute-30-seconds ng live video na ito.

Sinabi ni Sen. Revilla, masakit para sa kanya ang paratang ni Moreno laban sa mga senador, dahil hindi raw sila nagpapabaya sa kanilang mga responsibilidad.

Continue reading below ↓

“Yorme, tinira kaming mga senador.

"Sana naman, huwag ganoon. Masakit dahil alam naman natin Yorme, Isko, you’re a very good friend of mine.

"Si Kuya Germs, para tayong magkakapatid noon, para tayong mga anak pare-pareho no’n," banggit pa ni Revilla sa yumao nang si German Moreno, ang tinatawag na Master Showman na may malaking ambag sa kanilang showbiz careers noon.

“Alam mo rin naman na lahat kami nagtatrabaho. Hindi kami nagpapabaya.

"May mga nasasakupan din kami. Meron akong Bacoor, meron akong Cavite.

"Hindi lang yan, buong Pilipinas kung kaya lang talaga matulungan, gagawin namin, pero siyempre, very limited din.

“Katulad niyan, naka-quarantine pa kami, ilang beses ako... this is my second time. Good thing, nakalabas na rin ako ngayon.

"Pero kahit naka-quarantine ako, patuloy ang movement ko sa paggalaw, sa pagtulong sa mga local government like Rizal, kung paano natin matutugunan ang problema nila sa bigas.

“Mayor Isko, huwag naman. Huwag ganoon, tulungan tayo...

Continue reading below ↓

“Pakiusap ko po, yung pamba-bash, matatanggap ko po yun pero ito po, sa oras na ito, ang kailangan ay matugunan natin yung pangangailangan ng ating mga kababayan.

“Hindi tayo dapat mag-upakan. Hindi tayo dapat magsiraan. Ang kailangan nating tugunan ay yung gutom ng mga tao.

“Pero yung uupakan pa kami nang dahil lang sa gustong magpasikat e huwag naman.

"Pare-pareho tayong nagsisilbi sa ating mga kababayan. Pare-pareho tayong nagmamahal sa ating mga kababayan kaya sana po, tayo’y magsama-sama.

"Magtulung-tulong, huwag magsiraan, huwag mag-upakan.

"Mahal po ng bawat isa ang ating mga kababayan, kaya nga tayo nandirito.

"Hindi tayo amo ng bayan, tayo’y alipin ng bayan,” dagdag na pakiusap ni Bong kay Isko.

Sinabi rin ng senador sa mayor: "Hindi ito ang panahon ng pagbatikos. Huwag mo kaming personalin.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Hindi tayo dapat mag-upakan... Ang kailangan nating tugunan ay yung gutom ng mga tao. Pero yung uupakan pa kami nang dahil lang sa gustong magpasikat e huwag naman," apela ni Senator Bong Revilla kay Manila City Mayor Isko Moreno, dahil sa naging pahayag ng mayor nung Huwebes, April 2.
PHOTO/S: @bongrevillajrph Instagram / Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results