Ilang celebrities pabor sa pagpapatuloy ng Enhanced Community Quarantine

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2020
Sina (mula kaliwa) Ervic Vijandre, Paolo Contis, Lorna Tolentino, Rocco Nacino, at Enchong Dee ang ilan sa mga aristang pabor sa extension ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
PHOTO/S: Instagram

Ang palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon na matatapos sa April 14 ang rekomendasyon ni House Representative Loren Legarda at ng business tycoon na si Ramon Ang.

Ito ay para raw tuluyan nang mapatag ang kurba ng banta na hatid ng COVID-19.

Pahayag ni Legarda: “Extend the lockdown.

"Preposition sacks of rice, boxes of canned goods per poor family in NCR. Do massive testing.

"Strict health protocols even after lifting of lockdown, whenever.

"Give all cash subsidy now. We can rebuild the economy. We cannot reclaim lives."

Sinabi naman ni Ang sa panayam sa kanya ng CNN Philippines na mas mahalaga ang buhay kesa pera.

"We can make money again, but life, once you lose it, it's gone forever.

"So between life and money, I’d choose life.”

Sina Lorna Tolentino, Paolo Contis James Blanco, Rocco Nacino, Ervic Vijandre at Enchong Dee ang ilan sa showbiz personalities na nagsabi ring pabor sila sa extension ng ECQ.

Continue reading below ↓

Opinyon ni Lorna: “April 14 ang tapos ng lockdown pero hindi pa rin nababawasan ang nagkakaroon ng COVID-19.

"3,246 na ang COVID patients as of today, according sa Department of Health.

“Sa aking palagay ay mas makatutulong ang pagbaba ng bilang ng patients ng COVID-19 kung mananatili pa rin tayo sa bahay, kahit additional two weeks or more.”

Dalawampu't limang araw na siyang hindi lumalabas sa tahanan mula nang ipatupad ang ECQ.

Para kay Paolo Contis, tila hilaw pa kung tatapusin na ang quarantine matapos ng Holy Week.

“Feeling ko, mag-start pa lang to get better ang situation, e.

"Masasayang lang if tapusin ang quarantine. Ayoko sana, but I think it’s needed.”

Pabor na pabor si James Blanco sa pag-extend ng Enhanced Community Quarantine para hindi na raw madagdagan ang bilang ng COVID-19 patients.

Pero ikinalulungkot niya ang sitwasyon ng mga kababayan natin na kapus-palad.

"Ang masakit, hindi kayang tustusan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng bawat Pilipino.

Continue reading below ↓

"Maraming magugutom, at isa pa, baka magkagulo ang mga tao dahil wala nang makain ang kanilang pamilya.

“Kung makakaya ng gobyerno natin na ibigay ang pang-araw-araw na pagkain ng bawat Pilipino, kahit tatlong buwan pa ang extension para wala nang mahawa sa COVID-19.”

Bilang isang registered nurse, gusto rin ni Rocco Nacino na mapatagal pa ang pagpapatupad sa ECQ.

“Ako, in favor ako. In my opinion, it’s like treating an infection.

"Let’s say, naka-antibiotic medicine kayo for seven days and on the second day, wala na yung sakit nyo, but it doesn’t necessarily mean na free from infection na kayo.

"Kaya seven days ang antibiotics, to completely remove any infection sa katawan mo, just to be sure.

"I think the same applies to our current situation.

“As much as I want to go back to my normal routine, mas kailangan na safe and virus-free muna ang bansa natin bago tayo mag-resume ng normal life natin.

Continue reading below ↓

“I think it will be a wise decision to do that para hindi na tayo bumalik sa sitwasyon na ito.”

Isa o dalawang buwan pa na ECQ ang suggestion naman ni Ervic Vijandre para makatiyak ang lahat na hindi na kakalat ang COVID-19 sa bansa.

“Sa tingin ko, case-to-case basis ang dapat na maging desisyon sa sitwasyon na kinakaharap natin, lalo na sa pagpapatuloy ng Enhanced Community Quarantine.

"Kailangan natin ng maraming pasensya dahil walang definite time kung kailan ito matatapos.”

“Yes, I’m all for it,” ang opinyon ni Enchong Dee.

"Until the government announces that COVID-19 is already under control, that’s the time we can probably but slowly loosen the community quarantine.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina (mula kaliwa) Ervic Vijandre, Paolo Contis, Lorna Tolentino, Rocco Nacino, at Enchong Dee ang ilan sa mga aristang pabor sa extension ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results