"COVID-14" blooper ni Mayor Lani Mercado, pinagpistahan, nag-viral

by Jojo Gabinete
Apr 8, 2020
Isang tauhan ni Mayor Lani Mercado, ipinagtanggol ang actress-politician sa "COVID-14" blooper nito: "Grabe lang talaga ang mga tao, imbes na ang important details ng message niya ang inalala, yung honest mistake pa ang pinagpiyestahan."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

"Pasensya na, tao lang."

May paliwanag ang isang tauhan ni Bacoor City Mayor Lani Mercado tungkol sa "honest mistake" ng actress-politician sa kanyang Facebook Live na nangyari kagabi, April 7.

Pinagpipistahan at ginagawang katatawanan ang pagkakamali ni Lani.

Sa halip na COVID-19, "COVID-14" ang nasabi ng Bacoor mayor sa kanyang pahayag.

Buong pahayag ni Lani sa kumalat na video clip: "Ako po si Lani Mercado-Revilla na nagsasabi sa ating lahat na sama-sama, tulong-tulong laban po sa COVID-14…"

Continue reading below ↓

Ayon sa tauhan ni Lani na nakausap ng Cabinet Files ngayong Miyerkules, April 8, dala ng matinding pagod kaya hindi na napansin at hindi na naiwasto ng alkalde ang pagkakamali nito.

Lahad ng source, “It was a live Facebook post late last night... pagod lang talaga.

"I can just assume na na-mix up sa 14-day quarantine saka COVID-19, kaya yun ang nasabi niya.

"E, ending na nung live post, kaya hindi na niya napansin.

"Honest mistake lang talaga siya... tao lang."

Sumailalim sa self-quarantine ang 51-year-old actress-politician matapos makahalubilo ang isang COVID-19 patient.

Sabi pa ng source, "May iba pa nga siyang nasabing mali sa medyo simula, pero na-correct niya.

"Grabe lang talaga ang mga tao, imbes na ang important details ng message niya ang inalala, yung honest mistake pa ang pinagpiyestahan."

Idinagdag ng aming kausap na halos wala na raw tulog si Lani dahil sa personal na pag-aasikaso sa constituents nito sa Bacoor City na apektado ng COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

"Grabe ang schedule niya, halos wala nang tulog.

"Kawawa naman kaya talagang normal lang na magkamali siya.

"Pang-ilan na niyang message yun, pero ngayon lang naman siya nagkamali," sabi ng source ng Cabinet Files.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang tauhan ni Mayor Lani Mercado, ipinagtanggol ang actress-politician sa "COVID-14" blooper nito: "Grabe lang talaga ang mga tao, imbes na ang important details ng message niya ang inalala, yung honest mistake pa ang pinagpiyestahan."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results