Mayor Benjamin Magalong, simple lang pero rockstar sa crisis management niya ng Baguio City

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2020
Sa pamumuno ni Mayor Benjamin Magalong, siyam na araw nang walang kaso ng COVID-19 sa Baguio City. Ang pinaiiral niyang polisiya: transparency, mass testing, at contact tracing.

Puring-puri ng kanyang mga constituents si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, 59, dahil daw sa likas na pagpapahalaga nito sa mga nasasakupan.

Si Magalong ay retired general at deputy chief of operations ng Philippine National Police (PNP).

Baguhan man sa mundo ng pulitika, nahalal siyang alkalde ng Baguio noong 2019 mid-term elections.

Bago pa nagkaroon ng COVID-19 pandemic, pinag-uusapan na ang mahusay na pamamalakad ni Magalong sa Baguio City.

Kahapon, April 8, headline ng mga TV news program ang magandang balitang siyam na araw nang walang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Itinuturing ding model city ang lugar dahil sa mga ordinansang ipinatutupad ni Magalong.

Pinatotohanan ito ng businessman na si Anton Broas Jr., residente ng Baguio City.

Maayos at epektibo raw ang tatlong polisiya ni Magalong para masugpo ang COVID-10: transparency, mass testing, at contact tracing.

Kuwento ni Broas, "Pinakiusapan ni Mayor Magalong ang mga COVID-19 positive na lumantad para mapadali ang contact tracing at mabigyan ng babala ang public.

Continue reading below ↓

"Pumayag naman sila kaya mismong ang mga COVID-19 positive na ang nagwa-warning sa mga FB post nila."

Kumusta ang supply ng pagkain sa Baguio?

Sagot ni Broas, "Sa food, okey naman, walang problema ang Baguio City. May schedule kami, ginawan kami ng mga district.

"In fairness, talagang disiplinado rin ang Baguio City residents so I give the credit sa tao rin mismo.

"Most are educated kaya kapag may ordinance, sumusunod ang lahat."

"ROCKSTAR MAYOR"

Puring-puri rin si Broas sa kababaang-loob na ipinapamalas ng Baguio mayor.

Ni hindi raw ito nagpapatawag na mayor at mas binibigyang-diin ang trabaho nito bilang public servant.

Ang katangiang ito ang mas lalo raw hinangaan ng mga mamamayan ng Baguio kay Magalong.

"Naku, he’s the best! Super strict. Ex-general. But he is rockstar!

"Love na love siya ng mga tao.

"Kapag nasa labas siya, people would always make sure na makapagpa-picture sa kanya."

Inilirawan pa ni Broas ang pamamaraan ng pamamalakad ni Magalong sa Baguio.

Continue reading below ↓

"Maraming nabago dito sa Baguio.

"Pag-upo pa lang niya, ipinasara agad ni Mayor ang mga restaurant na walang permit to sell liquors but selling liquors dahil nga, maraming students.

"Mas bumilis din ang mga transaction sa City Hall.

"Ang mga kalsada, napaluwag niya ang karamihan."

Kitang-kita raw na may aksyon ang local government ng Baguio dahil sa alkalde.

"BFF ko yung tourism officer namin dito sa Baguio at sinabi niya talagang maraming plans si Mayor.

"I love him and most Baguio people do.

"I’m hoping he will still run for office next election dahil ang balita ko, parang one term lang yata ang gusto niya.

"Sana hindi, because the people of Baguio need him."

REMEMBERING SAF-44

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makadaupang-palad si Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong February 5, 2020.

Ang hindi inaasahang pagluha ng alkalde nang mapag-usapan ang mga miyembro ng SAF-44 ang hindi namin malilimutan tungkol sa kanya.

Continue reading below ↓

Ang 44 members ng Special Armed Forces (SAF) ng PNP ay nagbuwis ng buhay sa bulilyasong police operation para dakpin ang wanted terrorist na si Zulkifli Abdhir, alias Marwan.

Pinaniniwalaang nagtatago noon si Marwan at iba pang high-ranking terrorists sa Mamasapano, Mindanao.

Kahit limang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang trahedya, emosyonal pa rin si Magalong sa tuwing nababanggit ang 44 elite commandos na yumao noon.

Ramdam na ramdam namin ang sincerity ni Magalong at napansin namin ang pangingilid ng kanyang luha.

"Siyempre mga tauhan ko yun," ani Magalong.

Si Magalong ang nanguna sa PNP investigation noon sa bulilyasong police operation, na kilala rin sa code name na Oplan Exodus.

Pinangunahan nina dating PNP-SAF Commander Getulio Napenas Jr. at dating PNP Chief Alan Purisima ang counterterrorism operation sa ilalalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamumuno ni Mayor Benjamin Magalong, siyam na araw nang walang kaso ng COVID-19 sa Baguio City. Ang pinaiiral niyang polisiya: transparency, mass testing, at contact tracing.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results