Edu Manzano, nagbigay-pugay sa frontliners at namahagi ng aerosol boxes

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2020
Sa tulong ng ilang kaibigan, namahagi ang aktor na si Edu Manzano ng intubation o aerosol boxes para sa healthcare workers. Nagbigay-pugay rin ang aktor sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagpaskil ng mensahe sa harap ng kanyang bahay sa San Juan City.
PHOTO/S: Instagram

Makikita sa harap ng bahay ni Edu Manzano sa San Juan City ang banner ng pasasalamat sa frontliners na malaki ang kontribusyon para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Madaling matukoy ang tahanan ni Edu.

Sa buong taon, tanging ang bahay niya sa kanilang kalye ang may watawat ng Pilipinas sa harap.

Bukod sa pagpupugay sa frontliners, nag-iikot si Edu sa mga ospital para mamahagi ng intubation o aerosol boxes na malaking tulong sa healthcare workers.

Gawa sa acrylic ang aerosol boxes na nagsisilbing proteksiyon sa mga doktor at nurse kapag kailangan nilaNG magsagawa ng intubation sa coronavirus patients.

ART ROCKERS

Miyembro rin si Edu ng Art Rockers, ang grupo nila nina Senators Miguel Zubiri at Sonny Angara, Ormoc City Mayor Richard Gomez, Aga Muhlach, Julius Babao, at ibang prominent personalities.

Isinusulong ng Art Rockers ang sining at kultura sa ating bansa.

Si Edu ang isa sa mga Philippine actorS na maraming koleksiyon ng paintings.

Continue reading below ↓

Makikita ito sa exclusive feature ng PEP sa kanyang tahanan noong February 2019.

Ang Art Rockers ay nag-donate sa Philippine General Hospital ng COVID-19 PCR (Polymerase Chain Reaction) test kits para sa frontliners at symptomatic patients.

Nakalikom din ang Art Rockers ng pondo para sa test kits na ibibigay nila sa limang malalaking ospital sa Metro Manila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

ECQ EXTENSION

Isa si Edu sa mga entertainment personalities na unang nagpahayag na pabor siya sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine bago ideklara ito ni President Rodrigo Duterte noong April 6, 2020.

Pahayag niya: "I’m in favor of extended quarantine, but a modified version should be considered, but only if we have sufficient test kits available.

"That way, we will have a more accurate reading of the virus in communities.

"We have to eventually migrate toward 'normalcy' whatever the 'new normal' is, but without a doubt, there will be big changes economically, culturally, socially, and geo-politically."

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa tulong ng ilang kaibigan, namahagi ang aktor na si Edu Manzano ng intubation o aerosol boxes para sa healthcare workers. Nagbigay-pugay rin ang aktor sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagpaskil ng mensahe sa harap ng kanyang bahay sa San Juan City.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results