Mensahe nina Senator Sonny Angara at Pinoy seafarer sa kapwa COVID-19 survivors: "Help save lives!"

by Jojo Gabinete
Apr 13, 2020
PAY IT FORWARD: Senator Sonny Angara (kaliwa) at Pinoy seafarer (kanan) mula sa Diamond Princess Cruise ship, nag-donate ng plasma sa Philippine General Hospital.
PHOTO/S: @sonnyangara / Dr.Jonas del Rosario Facebook

Bilang COVID-19 survivor, nais ni Senator Sonny Angara na makatulong sa paggaling ng ibang pasyenteng dinapuan ng virus.

Tumugon siya sa panawagan ng Philippine General Hospital (PGH) na mag-donate ng plasma para sa mga kababayang tinamaan ng COVID-19 at malubha ang kondisyon.

Sa isang Instagram post, ibinalita ni Angara na nagpunta siya sa isang ospital sa Quezon City ngayong Lunes ng umaga, April 13, para mag-donate ng plasma.

Mensahe niya: "Gave my plasma and it went straight to a hospital in QC to a man on a ventilator- a severe case of COVID19.

"My wonderful doctors say it could save his life as the antibodies of survivors in past viruses have done.

"But right now there is just an informal network of hospitals speaking and exchanging notes as to the survivors giving their plasma."

Ang plasma ay ang translucent part ng dugo na siyang nagdadala ng nutrients at antibodies sa buong katawan.

Continue reading below ↓

Tinatawag na convalescent plasma therapy ang pagsalin ng plasma sa isang malubhang pasyente mula sa isang COVID-19 survivor.

HELP SAVE LIVES

Ayon kay Angara, maaaring mag-donate ng plasma ang isang COVID-19 survivor kada dalawang linggo.

Panawagan ng senador sa Department of Heatlh, Interagency Task Force at local government units: "DOH and IATF and LGUs pls exchange data re the covid survivors subject to their privacy rights, so that we can help others fight this virus.

"I wish I could pay it back every day but the protocol is you can only give your plasma as a survivor every 14 days.

"Pls. pass on to any survivor— they can save lives as we speak! Thanks and pls. stay at home and maintain social distancing everyone!"


Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo, nanawagan ang PGH sa lahat ng mga nakaligtas mula sa COVID-19 na mag-donate ng kanilang blood plasma para matulungan ang ibang mga biktima ng traydor na karamdaman.

FIRST PLASMA DONOR IN PGH: a seafarer

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario ng PGH, ang 31-year-old seafarer na si Ian Ceasar Frias ang kauna-unahang COVID-19 survivor na nag-volunteer.

Si Frias ay mula sa Diamond Princess Cruise ship.

Nag-donate siya ng blood plasma para masubukan ang experimental medical treatment na convalescent plasma therapy laban sa COVID-19.

Hinikayat ni Frias ang ibang kasamahan niya sa Diamond Princess na gumaling mula sa COVID-19 na magbigay rin ng blood plasma sa PGH.

Aniya: "Calling to all Covid19 survivors, especially sa Team Diamond Princess.

"Please have courage to show up yourself.

"Be fearless. Be a blessing to others. Please donate na rin kayo. We HEAL AS ONE!"

Nakikilala pa lamang na outbreak ang COVID-19 nang tamaan ang mga pasahero, staff, at crew ng Diamond Princess na pumalaot mula January 20.

Continue reading below ↓

Sumailalim sa 14-day quarantine ang cruise ship nang tumigil ito sa Yokohama, Japan, noong February 3.

Mahigit 700 katao ang dinapuan ng virus sa barko, kabilang si Frias.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PAY IT FORWARD: Senator Sonny Angara (kaliwa) at Pinoy seafarer (kanan) mula sa Diamond Princess Cruise ship, nag-donate ng plasma sa Philippine General Hospital.
PHOTO/S: @sonnyangara / Dr.Jonas del Rosario Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results