Tawa na lang: Mayor Lani Mercado, "COVID-14" blooper; Senator Bong Revilla, nakagat ng aso

by Jojo Gabinete
Apr 13, 2020
Mayor Lani Mercado: "Bawal po magkamali pala ang mga alkalde. Tao lang po, pasensya na. Pero ginagawa po talaga namin ang lahat ng aming magagawa para lang malampasan natin itong mga pagsubok na ito."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook

Ngayong araw, April 13, ang 52nd birthday ni Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Pero subsob pa rin siya sa trabaho para malutas ang mga problemang hatid ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan.

Walang selebrasyon si Lani, at sila lamang ng kanyang pamilya ang magkakasama.

Pero hindi nakalimot ang asawa niyang si Senator Bong Revilla na bigyan siya ng bouquet of flowers.

Para kay Bong, si Lani raw ang "greatest gift ng Diyos" sa kanya at sa kanilang mga anak.

Matamis naman ang ngiti ni Lani nang iabot sa kanya ni Bong ang flowers.

Ani Lani, "Thank you po sa lahat po ng mga bumati, nakaalaala, naka-appreciate po ng trabaho kahit na maraming ganap, okey lang po ‘yon, bahagi po ‘yon ng trabaho ko."

SORRY FOR BLOOPER

Humingi ulit ng dispensa si Lani sa blooper, na sa halip na COVID-19 ay "COVID-14" ang nasabi niya sa kanyang Facebook Live noong nakaraang linggo.

Continue reading below ↓

Pahayag ng Bacoor mayor: "Sa mga natuwa sa aking pagkakamali, COVID-14, sorry po.

"Talagang wala na. Marami po talagang iniisip.

"Sorry po sa mga nagalit. Huwag na po kayong magalit.

"Tapos na po ang Mahal na Araw…

"Bawal po magkamali pala ang mga alkalde. Tao lang po, pasensya na.

"Pero ginagawa po talaga namin ang lahat ng aming magagawa para lang malampasan natin itong mga pagsubok na ito.

"And we all pray na sana, mahanap na po ang lunas ng COVID-19."

Hindi naman daw isyu sa alkalde ang pambabatikos ng ibang netizens.

"Thank you much, I love you! Trabaho pa rin po, trabaho tayo.

"I am okay, I am happy. I’m not mad kahit bina-bash," nakangiting dagdag ni Lani.

BONG'S REACTION

Tinawanan lang din ni Bong ang blooper ng misis, at para sa senador ay mabuti ring nagkaroon ng kaunting katatawanan para sa netizens.

Sabi ng 53-year-old senator: "Alam niyo sa panahon na ito, minsan hindi niyo na alam ang gagawin mo para sa mga kababayan mo.

Continue reading below ↓

"Kahit anong gawin mo, may pula at may pula pa rin. Pero ang importante, gawin mo kung anong dapat para sa kanila.

"Katulad ng sabi nga ni Mayora, nagkamali siya, COVID-14…"

Natatawang patuloy ni Bong tungkol sa blooper ni Lani:

"Medyo nadulas lang siya noon, medyo nagkamali.

"E, nobody’s perfect. Lahat naman tayo, nagkakamali. Very minor.

"Naging katawa-tawa, napaligaya naman niya yung ibang tao.

"Yun nga lang, naging katawa-tawa, pero it’s okay."

DOG BITE

Ginawa ring sampol ni Bong ang aksidenteng nakagat siya ng aso noong April 4.

Ito raw ay mga hindi sinasadyang karanasan na mabuting tawanan na lang at hindi kailangang seryosohin pa.

"Ako nga, nakagat na ng aso, di ba? E, kasama iyon, e.

"Wala naman may gusto nun. Ang importante, okey tayo," ani Bong.

Hindi sinasadyang natapakan ng senador ang alagang aso nang bumisita siya sa bahay ng amang si dating Senator Ramon Revilla Sr.

May mga nakisimpatiya sa nangyari kay Bong.

Continue reading below ↓

Pero mayroon ding mga natuwang detractors na palaging nakasubaybay sa kilos ng senador.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Lani Mercado: "Bawal po magkamali pala ang mga alkalde. Tao lang po, pasensya na. Pero ginagawa po talaga namin ang lahat ng aming magagawa para lang malampasan natin itong mga pagsubok na ito."
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results