Piolo Pascual, nanawagang tigilan ang paghahasik ng hate sa social media

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2020
"Let’s do away with too much social media and too much judgment on people and let’s just try to inhabit goodness in us and pray," paalala ni Piolo Pascual sa mga tao ngayong COVID-19 crisis.
PHOTO/S: @covemanila via @piolo_pascual Instagram

"Let’s do away with too much social media."

Ito ang panawagan ni Piolo Pascual sa publiko nang hingan siya ng opinyon tungkol sa epekto ng COVID-19 pandemic.

March 15 nang pinasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang community quarantine sa Metro Manila, at mas pinaghigpit pa noong March 17.

Ang social media ang isa sa mga ginagamit na pampalipas-oras ng marami sa atin.

Nagsisilbi rin itong means of communication ng mga taong hindi pinapayagang lumabas ng bahay.

Pero marami ang naging iresponsable at abusado.

Ginagamit ng iba ang social media bilang platform ng pagkakalat ng fake news at paghahasik ng galit na wala sa lugar.

Kaya laganap ang negativity sa mga taong mahihina ang kalooban at hindi sanay na manatili nang matagal na panahon sa loob ng bahay.

Ayon kay Piolo, "Inilagay tayo rito ng pagkakataon para makinig tayo sa nangyayari sa paligid natin.

"Para malaman at makilala natin ang paligid natin, ang sarili natin, ma-appreciate natin ang buhay."

Continue reading below ↓

Sa halip na panay panghuhusga ng kapwa, mabuti raw bigyang-pansin ng mga tao ang pagdarasal at kabutihang-loob.

Payo pa ni Piolo, "Pray maski hindi kasama ang pamilya mo sa mga apektado.

"Maraming pamilya ang apektado, so kailangan natin ipagdasal.

"Kasi lahat, marami talagang naggi-grieve, marami talaga ang nawalan."

Sinabi ito ni Piolo sa live streaming ng ABS-CBN program na ASAP Natin 'To, noong Linggo, April 12.

TIPS TO MAINTAIN A POSITIVE MINDSET

Normal lamang na maapektuhan ng matagal na quarantine ang pag-iisip at ugali ng mga taong nagbago sa isang iglap ang pamumuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman maagap ang Philippine Mental Health Association Inc. sa paglabas ng listahan ng mga nararapat na gawin para mapangalagaan ang mental health ng bawat isa.

Unang payo ng PMHAI: "ITUON ANG ATENSYON SA MGA BAGAY NA MAY KONTROL TAYO."

Ugaliin din daw ang ang paglilinis ng kapaligiran pati na ang pag-practice ng good hygiene.

Continue reading below ↓

Ang wastong paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng ilong at bibig sa tuwing umuubo o nagbabahing ay malaking tulong para hindi na kumalat ang virus.

Dapat din daw panatilihin ang social distancing sa lahat ng pagkakataon.

Pangalawang payo ng PMHAI: "MANATILING KALMADO ANG DISPOSISYON."

Pagtuunan daw ng pansin ang sariling pakiramdam.

Ayon sa PMHI, "Kung nag-uumpisa na maramdaman ang kaba, sobrang takot o pagkalito, ugaliin ang paghinga ng malalim sa bilang na 5-5-5.

"Bumilang ng 5 sa paghinga gamit ang ilong, pigilan ito sa bilang na 5, at dahan dahang ilabas ang hininga sa bibig sa bilang uli ng 5.

"Ulit-ulitin ito hanggang makaramdam ng pagka-relax.

"Tandaan natin na ang ating takot at pangamba ay nakakaapekto din sa pakiramdam ng mga tao sa paligid natin."

BE WARY OF FAKE NEWS

Ikatlong payo ng PMHAI: "BAWASAN ANG PALAGIANG PANONOOD NG TV O PAGGAMIT NG ATING MGA GADGET."

Tulad ng payo ni Piolo, kung hindi rin lang naman daw bahagi ng trabaho ay makabubuti raw ang digital detox. Sa maiksing salita, ang pag-iwas sa social media.

Continue reading below ↓

Lalo na kung ang mga nababasang impormasyon ay "fake news" na nagdudulot lang ng takot at panic.

Paliwanag pa ng PMHAI: "Limitahan ang ating panonood o paggamit sa mga piling oras lamang.

"Siguraduhin na ang mga impormasyon ay nakukuha natin mula sa mga mapagkakatiwalaang media.

Ikaapat na payo ng PMHAI: "GAMITIN ANG PANAHON NA ITO UPANG MABIGYAN NG KARAMPATANG ATENSYON AT ORAS ANG ATING MGA MAHAL SA BUHAY. "

Dumulog daw sa taong pinagkakatiwalaan para maibsan ang takot o pangamba na nakakasagabal sa pang-araw-araw na gawain.

Ikalimang payo: "MAGBAHAGI sa panahon ng krisis."

Kung hindi man daw makapag-donate sa relief efforts, malaking bagay raw ang pagbili ng sapat na pangangailangan. Ibig sabihin, huwag mag-hoard ng groceries para may maiwan para sa iba.

Ikalimang payo ng PMHAI: "MAGDASAL AT MAGPAKABUTI."

Sa kabila ng hirap na dulot ng krisis, ito raw ang panahon para mas paigtingin ang pananampalataya ng bawat isa kahit anuman ang relihiyong kinabibilangan.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng PMHAI, "Alalahanin natin na hindi buo ang kalusugan kung walang kalusugan na pangkaisipan."

Ang positive mindset ay hindi lang daw pang-personal na interes kundi makakatulong din sa pagbibigay ng lakas ng loob sa ibang taong nasa ating paligid.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Let’s do away with too much social media and too much judgment on people and let’s just try to inhabit goodness in us and pray," paalala ni Piolo Pascual sa mga tao ngayong COVID-19 crisis.
PHOTO/S: @covemanila via @piolo_pascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results