Pagtaga sa barangay captain ng inaanak niya sa kasal, selos ang dahilan

by Jojo Gabinete
Apr 15, 2020
Nahuli sa CCTV camera ang pagtataga ng suspek sa barangay captain ng Barangay Sta. Ana sa San Pablo City, Laguna, kahapon, April 14. Mariing itinanggi ng anak ng barangay captain na quarantine pass at ayuda ang dahilan ng pagkakasaksak sa ama.
PHOTO/S: Screen grab from Unang Hirit

Disturbing ang kumakalat na video ng pananaga kay Larry Rosales, ang 57-anyos na barangay captain ng Barangay Sta. Ana, San Pablo City, Laguna.

Nangyari ang insidente kahapon ng umaga, April 14.

Iniulat ang nasabing insidente sa Unang Hirit ng GMA-7 nitong Miyerkules ng umaga, April 15.

Nakababahala rin ang video ng pagbaril ng San Pablo City SWAT team sa paa ng 45-year-old suspect na si Pablito Hernandez.

Sumakabilang-buhay si Rosales dahil sa mga sugat na tinamo niya.

Nasa stable condition naman na si Hernandez, na naka-confine sa isang ospital sa San Pablo City.

Nahaharap si Hernandez sa murder case.

Nakikiusap ang anak ni Rosales na si Larissa na i-delete ang video ng pananaga sa kanyang ama para hindi na ito kumalat, at hindi na madagdagan ang sakit ng kaloobang nararamdaman ng kanilang pamilya.

Galit na sinabi ni Larissa na "fake news" ang ikinakalat ng ibang mga tao tungkol sa pagpaslang sa kanyang ama.

Continue reading below ↓

Wala raw katotohanang tumanggi ang kanyang ama na bigyan ang suspek ng quarantine pass at Social Amelioration Card para sa financial help mula sa DSWD.

Galit na pahayag ni Larissa sa kanyang Facebook post: “Hindi namatay ang tatay ko dahil hindi nagbigay ng quarantine pass at hindi binigyan ng SAC, bakit kayo ganyan?

"Ano may ma-post lang kayong mga hayop kayo!"


Continue reading below ↓

Sa imbestigasyon ng San Pablo City Police, lumalabas na selos ang dahilan kaya pinagtataga ni Hernandez si Rosales.

"Selos po ang dahilan, ayon sa imbestigasyon.

"Pero parang gustong i-link sa hindi pagbibigay ng ayuda na P5,000 to P8,000 ng DSWD,” sabi ng isang mapagkakatiwalaang source sa Cabinet Files.

Malinaw na nahagip ng mga CCTV camera ang pag-uusap nina Rosales at Hernandez sa harap ng barangay hall, ang pagkuha ng suspek sa itak na nakasilid sa bag na dala niya, at ang kanyang paulit-ulit na pananaga sa leeg at ulo ng biktima.

Nagtangkang tumakas si Hernandez.

Pero nasukol siya ng San Pablo City SWAT Team sa pangunguna nina P/Lt. Col. Elmer Bao at Police Staff Sergeant Lawrence Anyayahan.

Isang civilian ang diumano’y nasa likod ng pagkalat sa social media ng disturbing video ng pagbaril naman ng SWAT Team kay Hernandez.

Nakikiusap ang police authorities na burahin at huwag nang pagpasa-pasahan ang nakakababahalang video.

Continue reading below ↓

Nag-iimbestiga na rin sila para matukoy ang identity ng tao na nagkalat ng video ng pagbaril sa suspek.

Samantala, nakakabahala pa rin ang paggamit ng heavy firearm sa pagsupil sa nanaksak na walang hawak na baril.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahuli sa CCTV camera ang pagtataga ng suspek sa barangay captain ng Barangay Sta. Ana sa San Pablo City, Laguna, kahapon, April 14. Mariing itinanggi ng anak ng barangay captain na quarantine pass at ayuda ang dahilan ng pagkakasaksak sa ama.
PHOTO/S: Screen grab from Unang Hirit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results