Watch Now

Mga pasaway, naglabasan sa EDSA; quarantine protocols, mas pinaghigpit 

by Jojo Gabinete
Apr 16, 2020
Mga barangay sa Metro Manila, iba-iba diskarte para pasunurin ang mga residenteng pasaway sa quarantine protocols; (kanan) nilagyan ng barikada ang isang kalye sa Barangay Patimbao, Sta. Cruz, Laguna.
PHOTO/S: CTTO

Extended hanggang April 30 ang quarantine sa Luzon.

Kaya nakapagtataka na dumagsa nitong Martes, April 15, ang mga sasakyan sa EDSA, na kitang-kita mula sa bintana ng condominium building na aming tinitirhan.

May mga haka-hakang dumami ang mga taong lumabas at bumiyahe sa EDSA dahil payday ang April 15, kaya nagsipuntahan sa mga supermarket na mahaba rin ang pila ng shoppers.

Kung hindi nagkaroon ng extension, kahapon sana ang huling araw ng ECQ.

Pero imposibleng ma-lift sa ngayon ang ECQ dahil tumataas pa ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19.

Narito ang traffic situation sa EDSA-Soliven sa San Juan City kahapon:


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangga’t may mga kababayan tayong pasaway at sarili lamang ang iniisip, hindi malabo ang posibilidad na tumagal pa ang ECQ.

Hindi naman nagpabaya ang mga miyembro ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police dahil binigyan nila ng traffic violation tickets ang mga drivers na lumabag sa quarantine protocol.

SELECT BARANGAYS PROHIBIT ENTRY OF FOOD DELIVERY

Naging mahigpit na rin ang mga barangay officials sa pagpapatupad ng total lockdown sa mga barangay na kanilang nasasakupan.

Hindi na nila pinapapasok ang mga delivery personnel ng Lalamove at Grab lampas ng border ng barangay.

Kung sinong residente ang may essential orders, sila ang kailangang pumunta sa barikada, na binabantayan ng barangay officials.

Doon na rin binabayaran at kinukuha ng mga residente ang kanilang mga binili.

USE QUARANTINE PASS ACCORDINGLY

Naghigpit ang mga ilang barangay officials sa pagpapasok sa kanilang nasasakupang teritoryo mula nang matuklasang ipinahihiram sa iba ang mga quarantine pass.

Gayong specific ang identification at control number sa bawat pass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, importanteng may dalang ID ang mga may hawak ng quarantine pass.

Dahil kung wala, hindi sila pinapayagang makalampas sa mga barikada.

BARANGAY OFFICIALS PROMOTE QC MAYOR

Loyal ang mga opisyal ng Barangay E. Rodriguez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Dahil nang mamigay ng relief goods sa lugar, mahigpit ang bilin ng barangay officials sa aming mga residente sa condo building na i-document ang mga natanggap na ayuda.

Bilin pa nila sa amin: "Kunan po ninyo ng picture. I-post niyo sa Facebook, at huwag niyo po kalimutan na magpasalamat kay Mayor!"

Ganoon din ang nangyari sa Teachers Village, Quezon City. Ibinubulong ng mga kagawad, matapos i-abot ang bag ng bigas at canned goods, na galing yan kay "mayora."

ROAD CLOSURE IN BARANGAY PATIMBAO, STA. CRUZ, LAGUNA

Sa Barangay Patimbao, Sta. Cruz, Laguna, hindi na basta madaraanan ng mga tao ang shortcut sa lugar na kanilang pupuntahan, dahil welded iron fence at hindi simpleng barikada na ang iniharang doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gustong makatiyak ng mga barangay official na mako-control ang mga pumapasok at lumalabas sa barangay nila, bilang proteksiyon pa rin sa banta ng COVID-19.

DESIGNATED SCHEDULE FOR MARKET DAY

Sa Mandaluyong City, mandatory ang pagsusuot ng face mask ng mga nagpupunta sa palengke.

At para maiwasan ang pagsisiksikan—tulad ng nangyari noong Black Saturday sa Balintawak Market sa Quezon City—may bagong ordinansa na ipatutupad ang local government.

Simula Biyernes, April 17, depende sa unang letra ng family name ang puwedeng pumunta sa public market ng Mandaluyong City.

Tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo lamang maaaring mamalengke ang isang representative ng mga pamilyang nagsisimula sa letter A to L ang apelyido.

Martes, Huwebes, at Sabado ang mga araw na nakatoka para sa mga mamimili na nagsisimula sa letrang M hanggang Z ang family name.

Isasara tuwing Lunes ang palengke para sa sanitation at disinfection.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga barangay sa Metro Manila, iba-iba diskarte para pasunurin ang mga residenteng pasaway sa quarantine protocols; (kanan) nilagyan ng barikada ang isang kalye sa Barangay Patimbao, Sta. Cruz, Laguna.
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results