Residente ng Bacoor City, pinambili ng shabu ang ayuda ng gobyerno

by Jojo Gabinete
Apr 18, 2020
Isang residente ng Bacoor City ang nahulihan ng shabu, at inaming pinambili rito ang ayudang natanggap mula sa gobyerno.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras

Kapag napatunayang nagbebenta rin siya ng illegal drugs, hindi na papayagang makapaglagak ng piyansa si Clark Jerel Navalta, ang residente ng Bacoor City na dinakip ng Bacoor City Police noong Huwebes ng gabi, April 16.

Nahulihan siya ng sachet na pinaghihinalaang shabu ang laman.

Marami ang nagalit, lalo na ang middle-class citizens, nang ipakita kagabi, April 17, ang report ng 24 Oras kay Navalta, na umaming nagmula sa PHP6,500 na ayuda ng gobyerno ang ipinambili niya ng shabu.

Ang pera ay galing sa Social Amelioration Program na ibinigay sa kanya ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) ng Bacoor.

Sinabi ni Navalta na gagamitin nito ang shabu para magkaroon siya ng dagdag na lakas para sa kanyang extra job sa construction site.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Gel Garciano, ang city information officer ng Bacoor City, para malaman ng publiko ang mga bagong development sa kaso ni Navalta.

Sinabi ni Garciano na nabigyan si Navalta ng financial help dahil kasama ang pangalan niya sa Bacoor’s “poorest of the poor“ na listahan ng CSWD. Ang listahan ang sinusunod para malaman ang SAP beneficiaries.

Continue reading below ↓

Pahayag pa ni Garciano sa Cabinet Files, "Sa part naman ng local government, todo pagbabantay ang ginagawa ng PNP, CSWD, at mga barangay officials. The person is now in jail, at kapag natuklasan na pusher siya, no bail."

Samantala, sa report ni Oscar Oida sa 24 Oras, hindi lamang si Navalta ang dinakip ng Bacoor City Police, na naghuli rin ng dalawang lalaki, na mga beneficiary din ng SAP, na nagsasabong naman sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.


Continue reading below ↓

Bukod sa sinampahan ng kaso, kinatay ang mga pangsabong na manok ng mga dinakip, ipinaluto, at ipinakain sa kanila—na isang napakasaklap na karanasan dahil wala nang sasakit pa sa pagkain sa sariling alaga.

Ang maging maingat naman sa paggastos sa perang natatanggap ang paalaala ni Mayor Lani Mercado sa mga beneficiary ng SAP.

"Sa atin pong mga kababayan na nakatanggap na po ng PHP6,500 na ayuda mula po sa SAP, spend it wisely. Huwag po nating gamitin ito sa bisyo, tipirin po natin ito dahil hindi po natin alam kung hanggan kailan po itong enhanced community quarantine."

SInasabing may tampo ang middle-class sector sa Pilipinas sa ilang mga kababayan nating ginagamit ang pagiging mahirap para makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Kung pagbabasehan kasi ang mga lumalabas na balita, kung sino pa ang mga walang trabaho at mga pasaway, sila pa ang nahuhuling gumagawa ng mga illegal na gawain, pahirap sa kapwa, walang mga disiplina, kulang sa kooperasyon, at lumalabag sa quarantine protocols.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang residente ng Bacoor City ang nahulihan ng shabu, at inaming pinambili rito ang ayudang natanggap mula sa gobyerno.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results