Ipinagmamalaki ni Maui Taylor, 36, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Mikey Fainsan, 45.
Mahigit 20 taon nang naglilingkod bilang flight attendant ng isang airline company si Mike.
Pumayag itong mag-duty nang walang kapalit na bayad sa "sweeper flight" na hiniling ng Canadian Embassy sa airline company.
Ito ay para maiuwi sa Pilipinas ang 91 na kababayan nating stranded sa Canada mula nang i-ban ng Philippine government ang mga international flights dahil sa COVID-19 pandemic.
Bilib si Maui sa pagkawanggawa ng kapatid na si Mike.
"I even asked him over five times if he was sure of his decision.
"And his response was YES, it’s time to give back," kuwento ni Mau tungkol sa desisyon ng kuya niya.
Dagdag niya, "Proud of you. My prayers are with you, stay safe, and come home safely, without the virus of course."
Lunes ng gabi, April 14, nang makaalis ang flight ni Mike mula Maynila patungong Canada para sunduin ang mga stranded na Pinoy.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Maui, sinabi niyang puwedeng tumanggi ang kanyang kapatid, pero pinili nitong pagsilbihan ang ating mga kababayan.
"He can say no. As for him, since more than 20 years na siya in service, it’s his way of giving back sa company.
"No pay ang flight na ‘yan," ani Maui.
Sumailalim daw ang mga lilipad sa "cabin and plane briefing" para siguruhing ligtas ang kanilang round-trip operation.
Nakasuot din daw ng personal protective equipment ang cabin crew.
Detalye ni Maui: "Fully geared up sila.
"He’s there na. He flew last night and will be back din tomorrow— balikan lang yung flight.
"Fourteen hours ang flight to and from.
"Kaka-land lang nila, and in two hours, paalis na ulit sila ng Canada.
"Pagod yun."
Ang mga pasaherong susunduin ay halong overseas Filipino workers at citizens na may dual citizenship.
Sweeper flight ang tawag sa special flights ng mga airline company para maiuwi sa sariling bansa ang stranded tourists.
Noong April 13, naglabas ng announcement ang Embassy of Canada in the Philippines tungkol sa special flights para sa mga kababayan nating susunduin mula sa airport ng Toronto at Vancouver para makabalik sa Pilipinas.