Jodi Sta. Maria at Ella Cruz, kabilang sa Top 10 TikTok influencers sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
Apr 16, 2020
Bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon, pinakamaraming TikTok subscribers sa hanay ng mga artista sina Jodi Sta. Maria (kaliwa) at Ella Cruz (kanan).
PHOTO/S: TikTok

Kasama sina Jodi Sta. Maria at Ella Cruz sa listahan ng Top 10 TikTok influencers sa Pilipinas.

Ito ay bago pa ipinatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine pangontra sa COVID-19 noong March 15.

As of February 2020, may 1,858,777 TikTok subscribers si Jodi.

Si Ella naman ay mayroong 1,587,074 subscribers.

Ang TikTok ay isang video-sharing app na nagmula sa China.

Nang pairalin ang quarantine, nadagdagan ang bilang ng mga artista na naging TikTokers.

Mabisa kasi itong libangan at pampabawas-bagot habang namamalagi ang mga artista sa kanilang tahanan.

Pero bago pa man nagdeklara ng ECQ sa Luzon, TikTokers na ang ibang mga artista, gaya nina Lorna Tolentino, Amy Perez, at ang lovers na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Hindi lamang ang mga artista ang naengganyo sa TikTok.

Ginagawa rin ito ng ordinary Filipino citizens na hindi sanay mabartolina nang matagal sa sariling pamamahay.

GUANZON: "DAPAT MAY AGE LIMIT 'YANG TIKTOK"

Hindi naman nagpahuli ang ilang government officials dahil sumabak din sa TikTok sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Continue reading below ↓

Pero may paalaala sa mga kagaya nila ang outspoken Comelec Commissioner Rowena V. Guanzon.

Hindi nakapagpigil si Guanzon sa pagbigay ng reaksiyon sa komento ng isang Twitter follower niya.

Ayon sa netizen, "in poor taste" at "digusting" ang pagti-TikTok ng government officials ngayong may kinakaharap na health crisis ang bansa,

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Guanzon sa kanyang sagot.

Aniya: “I agree with you @LTFGuia especially if hindi naman sila guapo. I was wondering WTH are they doing?"

Isa pang Twitter follower ni Guanzon ang nagkomento na ita-tag daw nito ang mga government officials na tinutukoy ng Comelec commissioner.

Sagot ni Guanzon: “Yes hehehe go ahead. Maybe they won’t do it again.

"Dapat may age limit ‘yang TikTok, below 30."

Sabi pa niya sa wikang Bisaya: "Ang mga tigulang indi na mag entra. Makaguol oi. Hilas kayo."

[Translation: "Ang mga matanda, huwag nang sumali. Nakakalungkot naman. Nakakahiya kayo."]

May magkomento namang okey lang mag-Tiktok kung kamukha ito ni Captain Ri, ang karakter ni Hyun Bin sa popular Koreanovela na Crash Landing On You.

Continue reading below ↓

Pagsang-ayon ni Guanzon: “Korek ! Capt Ri fans agree with me. Ang mga mashonda huwag na mag-TikTok #Shunga."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon, pinakamaraming TikTok subscribers sa hanay ng mga artista sina Jodi Sta. Maria (kaliwa) at Ella Cruz (kanan).
PHOTO/S: TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results