Watch Now

Mga preso at pulis, nagkahawaan sa QC jail; health workers sa Fabella Hospital, magpoprotesta na?

by Jojo Gabinete
Apr 17, 2020
Siyam na preso at siyam na pulis sa Quezon City Jail, nagpositibo sa COVID-19 ngayong April 17. Isang health worker, inireklamo ang kawalan umano ng sistema sa Dr. Fabella Memorial Hospital sa Manila.
PHOTO/S: Screengrab from CNN Philippines / cpu.upm.edu.ph

Ang mabigyang-pansin sana ni Senator Manny Pacquiao ang kalagayan ng mga preso para hindi magkahawaan ng COVID-19 ay una nang nabanggit ng Cabinet Files noong March 13.

Kaugnay iyon ng panukala ng senador, ang Anti-Spitting Act, para hindi lumaganap ang coronavirus.

Ang eksaktong opinyon noon ng Cabinet Files:

"Maisip din sana ni Pacquiao na bigyan ng atensyon ang wastong pangangalaga sa mga preso o ang mga nakakulong, dahil higit na magiging malaki ang problema kapag sila ang dinapuan ng COVID-19.

"Ngayong tag-init, kahabag-habag ang kalagayan ng mga bilanggong nagsisiksikan sa loob ng kulungan kaya mas madali silang kapitan ng mga karamdaman."

More than a month later, nangyari na ang aming kinatatakutan.

Ngayong Biyernes, April 17, siyam na inmates sa Quezon City Jail at siyam na tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa report ng CNN Philippines, sinabi ni BJMP Spokesperson Xavier Solda na dinala na ang infected inmates sa isang quarantine facility sa Payatas, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa nangyari sa Quezon City Jail, dapat aksiyunan ng BJMP ang pag-decongest ng mga kulungan, hindi lang sa QC kundi sa buong bansa.

Lalo pa't tila imposibleng maipatupad ang social distancing sa nagsisiksikang mga preso sa Pilipinas.

Sa naiuulat na larawan sa loob ng kulungan ay makikitang hindi lang basta magkakadikit ang mga preso.

Patung-patong sila at tila hindi mahulugan ng karayom sa dami ng tao sa bawat selda.

LACK OF QUARANTINE FACILITY at maternity hospital?

Hindi ito nalalayo sa problema ng mga ospital na sagad ang bilang ng mga pasyente at health workers.

Ilang ulit na ring naglabas ng report ang PEP.ph tungkol sa nakababahalang kalagayan ng mga pasyente at frontliners sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Ang Fabella ay ang national maternity hospital sa Sta.Cruz Manila.

Ngayong hapon, April 17, nakapanayam ni Pinky Webb sa programa nito sa CNN Philippines ang isang healthcare worker ng Dr. Fabella Memorial Hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinago niya ito sa pangalang "Andrew" upang maproteksyunan ang kanyang identity.

Matapang na isiniwalat ni Andrew ang diumano’y kawalan ng sistema at kapabayaan na nangyayari sa ospital.

Wala raw quarantine facility ang maternity hospital kaya ang mga Persons Under Investigation (PUI) ay dinadala pa rin sa delivery room at operating room ng ospital.

Inirereklamo ito ni Andrew dahil sa panganib na maaaring mahawa ang mga nanay na bagong panganak.

"Kung titingnan niyo, labag po ito sa protocol dahil hindi naman quarantine area iyon.

"Ako mismo po, e, nakakapagdala ng mga PUI na pasyente sa ward, kaya labis po talagang nakakabahala."

Tila isinasawalang-bahala raw ito ng ilang doktor, na nagsasabing "nagsisinungaling" lang ang mga "nanay" tungkol sa sintomas na kanilang nararamdaman.

Kaya raw marahil hinahayaan na madala ang mga nanay sa delivery room at operating room.

Sumbong naman ni Andrew, "Nandoroon na po yung pagsisinungaling—okay, nagsinungaling yung nanay.

"Pero hindi naman po dapat isasama at ihahalo sa mga ward dahil maaari itong [virus] magkalat pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SICK HOSPITAL WORKERS?

Patuloy na pinagre-report sa ospital ang mga empleyado, na kung hindi man daw positibo sa COVID-19 ay mga PUI.

Ito na marahil ang pinaka-nakakaalarmang rebelasyon ni Andrew.

Lumalabas na tila wala raw sistema o malasakit ang hospital administration.

"May mga naging positive na rin po kasi na mga empleyado ngayon diyan sa amin.

"Ang nangyayari ho ngayon, itinatago po ng mismong management kung sinu-sino po yung mga naging positive na empleyado."

Hiling ni Andrew, sana raw ay magkaroon ng transparency at mass testing sa kanilang ospital.

"Meron po diyan kasi na mga positive, mga PUI, na hanggang ngayon, nagdu-duty at nakakasama namin.

"Kailangan po, magkaroon ng stand ang management na sabihin kung sinu-sino po yung mga naging positive na empleyado."

Nagpadala na ng sulat sa management ng Dr. Fabella Memorial Hospital ang concerned employees.

Pero hanggang sa ngayon, hindi pa sila nakakatanggap ng sagot.

Kaya raw nagpasya si Andrew na magpainterbyu kay Pinky para malaman ng kinauukulan ang kanilang mga hinaing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BREWING PROTEST AGAINST HOSPITAL

Kung hindi mabigyan ng solusyon ang mga idinudulog nila, ang pagdaraos ng kilos-protesta ang susunod na plano ng mga concerned health workers ng government-owned hospital.

"Siguro magkakaroon po kami ng protest... para po kalampagin ang management na kung ano ba ang puwede nilang gawin para sa mga empleyado at hindi lamang mga empleyado.

"Meron sana po kaming demand—sana po magkaroon ng weekly census ng mga staff, kung sinu-sino po yung mga PUI or COVID positive.

"Sana rin po, magkaroon kami lagi ng available na PPE dahil kailangang-kailangan po namin iyan, at mass testing sa lahat po ng mga empleyado ng Fabella, at magkaroon ng guidelines para sa mga nagdu-duty po sa isolation [area]."

Sa pagkakataong ito, huwag naman sanang manggalaiti ang mga pro-Duterte supporters at basta na lang bumanat na hindi nakakatulong ang pagprotesta.

Malinaw naman siguro na kapag hinayaang magserbisyo ang healthworkers na may COVID-19, o may sintomas ng COVID-19, kakalat tiyak ang virus na nakamamatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siyam na preso at siyam na pulis sa Quezon City Jail, nagpositibo sa COVID-19 ngayong April 17. Isang health worker, inireklamo ang kawalan umano ng sistema sa Dr. Fabella Memorial Hospital sa Manila.
PHOTO/S: Screengrab from CNN Philippines / cpu.upm.edu.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results