Ilang barangay sa Calamba, Laguna, may reklamo sa papansit ni Kapitana at karampot na relief goods

by Jojo Gabinete
Apr 18, 2020
Ilang barangay sa Calamba, Laguna, ay may sentimiyento tungkol sa natanggap na relief goods simula noong ipatupad ang enhanced community quarantine. Sa Brgy. Mayapa (L), wala raw silang pondo pero may pinapagawang arko. Sa Brgy. 7 naman, nagpapansit ang kapitana.
PHOTO/S: courtesy of Cabinet FILES

Pampito sa pinakamayan na siyudad sa Pilipinas ang Calamba sa Laguna. May kabuuang pag-aari itong nagkakahalaga ng PHP12,606 bilyones.

Ang ganitong yaman ng Calamba City ay inireport ng Philippine Information Agency noon lamang October 24, 2019, gamit ang
local government wealth report ng Commission on Audit.

Pero, iba ang sentimiyento ng mga Calambeño. Hindi raw nila nararamdamang mayaman ang bayan nila nitong panahon ng COVID-19.

Ang hinaing ng mga residente ng Purok 1 sa Barangay Parian, Calamba City, ay hindi pa raw nasusundan ang relief goods na natatanggap nila mula nang mabigyan sila ng tatlong kilong bigas.

Sa Barangay Mayapa, inireklamo ni Facebook user Arise Difuntorum na wala umanong pondo ang kanilang barangay, pero nakapagpagawa ng arko sa sidewalk ang barangay chairman nila.

Continue reading below ↓

Sa comments section ng kanyang post, pinagtatawanan at binabatikos ang arko dahil sa pilit na pagtatayo nito sa maling puwesto.

Sa Barangay 7, nasorpresa ang mga residente nang makatanggap sila ng “papansit “ mula kay Barangay Chair Daisy Opaco, pero nanlumo sila nang makita ang laman ng plastic bag—kapirasong carrot, kapirasong sibuyas, at kapirasong dahon ng gulay.

pansit

Continue reading below ↓

May paniwala ang Chinese na pampahaba ng buhay ang pansit, pero iba ang naging pakiramdam ng mga nabigyan ni Kapitana ng pansit na may pira-pirasong gulay. Imbes daw na humaba, baka umiksi ang kanilang buhay dahil napanood nila ang Facebook Live ng Market Master na si Victor Opaco, ang asawa ni Kapitana.

Malinaw na makikita sa video ni Opaco ang ilang volunteers na walang suot na face mask habang naghihimay at nagbabalot ng mga sahog na gulay para sa pansit, na nakalagay lamang sa sahig.

Continue reading below ↓

Umaapela sila kay Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco na agad tugunan ang panawagan ng mga kababayan niyang gustong maramdaman ang tunay na kalinga ng isang mapagmalasakit na gobyerno.

Hindi lamang kasali sa listahan ng pito sa pinakamayayamang siyudad sa Pilipinas ang Calamba City. Ito ay dineklara rin ng Swiss-based group na IQ AirVisual bilang may pinakamalinis na hangin sa Southeast Asia noong March 2019.

Na ang ibig sabihin ay mayaman nga ang siyudad ng pambasang bayani na si Dr. Jose Rizal.

As of April 17, may 22 confirmed cases at may 51 suspect cases ng COVID-19 ang Calamba City.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang barangay sa Calamba, Laguna, ay may sentimiyento tungkol sa natanggap na relief goods simula noong ipatupad ang enhanced community quarantine. Sa Brgy. Mayapa (L), wala raw silang pondo pero may pinapagawang arko. Sa Brgy. 7 naman, nagpapansit ang kapitana.
PHOTO/S: courtesy of Cabinet FILES
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results