GMA-7 at ABS-CBN, parehong may exclusive rights sa airing ng Batman Begins?

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2020
Isang eksena sa Batman Begins, kung saan kasama sa cast si Katie Holmes. Ipinalabas ang 2005 film sa GMA-7 at ABS-CBN ngayong araw, April 19.
PHOTO/S: Screen Grab from GMA-7 and ABS-CBN

Naaaliw ang televiewers dahil magkasabay na ipinalabas ngayong araw, April 19, Linggo ng tanghali, sa GMA 7 at ABS-CBN ang Batman Begins.

Ang 2005 superhero film ay tinampukan nina Christian Bale, Michael Caine, Morgan Freeman, Katie Holmes, at Liam Neeson.

Parehong naka-dub sa Tagalog o Tagalized ang version ng Batman Begins na napanood sa Kapuso at Kapamilya networks kaya may mga nag-akala na sinadya at hindi nagkataon lamang ang magkasabay na airing.

May mga nag-isip na baka bahagi ng Bayanihan To Heal as One Act ang nangyari bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga nangungunang television networks sa Pilipinas.

Para maging malinaw ang lahat, hiningi namin ang sagot ng mga representative ng GMA Network Inc. at ABS-CBN.

Ayon kay ABS-CBN Head of Corporate Communications Kane Errol Choa, hawak ng Kapamilya Network ang karapatan para ipalabas ang Batman Begins.

"We have exclusive rights to air the movie until April 30,” ang sagot ni Choa sa inquiry ng Cabinet Files, pero tila may namumuong isyu nang matanggap namin ang sagot ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Ang text message na ipinadala ni GMA First Vice-President for Program Management Jose Mari Abacan sa Cabinet Files ay, "We have the rights and number of runs from November 1, 2019 until 2021. We own it.”

Bukod sa ang GMA-7 ang may hawak ng exclusive rights ng Batman Begins, idinagdag ni Abacan ang aksiyon na ginawa niya tungkol sa magkasabay na airing ng GMA-7 at ABS-CBN sa Tagalized version ng nasabing movie.

"We called the attention of our supplier already. (The) movie was supplied straight by Warner Bros.," ang paglilinaw ng Kapuso executive.

Nakuha namin ang sagot ni Abacan sa tulong nina GMA Vice-President for Corporate Communication Angel Javier Cruz at GMA Corporate Communication Manager Marian Domingo.

Dahil sa mga sagot nina Choa at Abacan, may dapat ipaliwanag ang nagbigay ng karapatan sa ABS-CBN at GMA-7 na ipalabas sa telebisyon ang Batman Begins.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang eksena sa Batman Begins, kung saan kasama sa cast si Katie Holmes. Ipinalabas ang 2005 film sa GMA-7 at ABS-CBN ngayong araw, April 19.
PHOTO/S: Screen Grab from GMA-7 and ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results